Teleserye ni Ruru Madrid tungkol sa giant crocodile na si Lolong, matuloy pa kaya?

by Jojo Gabinete
Jun 15, 2020
Hindi pa tiyak kung matutuloy ang pagbibidahan sanang teleserye ni Ruru Madrid sa GMA-7 tungkol sa giant crocodile na si Lolong.
PHOTO/S: Screen grab from GMA7, CNN

Nagkuwento si Ruru Madrid kay Willie Revillame tungkol sa pagbibidahan niyang GMA-7 series, na pansamantalang naudlot dahil sa COVID-19 pandemic.

Nitong Lunes ng gabi, June 15, celebrity guest si Ruru sa Tutok To Win, ang programa ni Willie na pansamantalang ipinalit sa Wowowin.

Ayon kay Ruru, Lolong ang pamagat ng serye na pagtatambalan nila nina Sanya Lopez at Kim Domingo.

Tungkol daw ito sa giant killer crocodile na si Lolong.

Pero matatagalan pa ang pag-ere nito dahil suspended ang production ng mga bagong programa ng Kapuso Network.

LOLONG: THE WORLD'S LARGEST CROCODILE

Pamilyar sa mga Pilipino ang pangalan na Lolong dahil ito ang buwaya na nahuli sa Bunawan creek, sa Agusan del Sur, noong September 3, 2011.

Lolong ang ipinangalan sa buwaya dahil Lolong ang palayaw ni Ernesto Cañete, ang veteran crocodile hunter na nanguna sa paghahanap sa giant killer crocodile.

Sa kasamaang-palad, binawian ng buhay si Ernesto ilang araw bago nahulog sa patibong ang buwaya.

Continue reading below ↓

Idineklara ng Australian crocodile expert na si Adam Britton si Lolong bilang pinakamalaking buwaya sa buong mundo.

Si Lolong ang pinaghihinalaang pumatay sa mangingisda na bigla na lang nawala, pati na rin sa sa 12 anyos na babaeng natagpuang wala nang ulo sa bayan ng Bunawan.

Continue reading below ↓

Nagsilbi itong inspirasyon ng kuwento ng 2014 indie movie na Bwaya, na tinampukan ni Angeli Bayani.

Dahil sa pambihirang laki ni Lolong, isandaang katao ang nagdala sa kanya sa pampang.

PRESERVED REMAINS OF LOLONG

Ang Bunawan Ecopark and Wildlife Reservation Center ang naging tahanan ni Lolong, na tinataya noon na 50 years old.

Si Lolong ang main attraction sa naturang ecopark dahil sa mga turistang dumarayo at nagbabayad para makita siya nang personal.

Noong June 2012, opisyal na kinilala si Lolong ng Guinness Book of World Records bilang “World’s Largest Crocodile in Captivity." May sukat itong 20 feet at 3 inches.

Noong February 10, 2013, natagpuang walang buhay si Lolong.

Ayon sa autopsy, pneumonia at cardiac arrest ang ikinamatay ng higanteng buwaya.

Sa pamamagitan ng taxidermy o animal stuffing, na-preserve at napanatiling maayos si Lolong.

Naka-display ngayon sa National Museum ng Pilipinas, kaya mabibigyan ng pagkakataon ang lahat na makita ang buwaya na maituturing na isang prized possession ng ating bansa.

Continue reading below ↓

Ang preserved skin ni Lolong ay makikita sa Hall of Philippine Biodeversity ng National Museum:

Nasa Ayala Hall naman ng museo ang preserved skeleton ng giant crocodile:

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pa tiyak kung matutuloy ang pagbibidahan sanang teleserye ni Ruru Madrid sa GMA-7 tungkol sa giant crocodile na si Lolong.
PHOTO/S: Screen grab from GMA7, CNN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results