GMA News reporter Joseph Morong, matapang na hinarap ang "embarrassing" Twitter post

by Jojo Gabinete
Jun 16, 2020
GMA News reporter Joseph Morong on Twitter booboo: “So embarrassing. Bawasan ko na kaya fina-follow ko? Hahaha un malilinis at busilak na lang haha joke lang but sorry about that."
PHOTO/S: Twitter / GMA News

Words of encouragement ang natatanggap ng GMA News reporter na si Joseph Morong.

Muling nag-trending sa social media ang pangalan ni Joseph dahil sa kanyang Twitter post kagabi, June 15.

Ipinost ng GMA News reporter ang selfie niya habang hinihintay ang address ni President Rodrigo Duterte tungkol sa bagong COVID-19 lockdown procedures na ipatutupad sa National Capital Region at sa ibang panig ng bansa.

Hindi napansin ni Joseph na nahagip sa selfie picture niya ang screen ng kanyang laptop na nagpapakita sa isang gayporn site na pina-follow niya sa Twitter.

Hindi ito nakaligtas sa matalas at mapanuring mata ng netizens.

Kung hindi pa sinabi ng followers niyang nag-pop up sa laptop screen ang litrato ng gayporn video, hindi ito malalaman at mapupuna ni Joseph.


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Matapang namang hinarap ng GMA News reporter ang isyu.

Sa pamamagitan din ng Twitter ay humingi ng paumanhin si Joseph.

Aniya, “So embarrassing.

"Bawasan ko na kaya fina-follow ko? Hahaha un malilinis at busilak na lang haha joke lang but sorry about that.

“Hahaha guys sensya na talaga ah? Haha focus na tayo in a few minutes haha. Goodnight guys! Haha*wink SMH [shaking my head] haha.

“Hahah sorry about that guys haha. You’ll never know what’ll show on your timeline LOL.”


Continue reading below ↓

May mga humusga kay Joseph, pero marami ang natuwa at pumuri sa paraan ng pagharap niya sa embarrassing situation na kanyang tinutukoy.

Ito ang ilan sa mga message of support para kay Joseph mula sa mga taong tanggap at nauunawaan ang kanyang sexual orientation:

“The gays love you, mahal na kita Joseph Morong."

"It's okay, normal naman iyan... it happens. Journ ka, pero tao ka pa rin."

"Tawang tawa ako. It happens zer! Cute mo sarap kurutin at Hindi ka naman kulong beh."

RELAX...

Hindi ito ang unang beses na pinag-usapan si Joseph sa social media.

Noong May 19 , 2020, nag-trending din siya nang sabihan niya ng “Relax” si Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ito ay matapos uminit ang ulo ni Roque nang pagalitan nito sa press briefing ang CNN Philippines reporter na si Tricia Terada.

Nang marinig ni Roque ang payo ni Joseph, mayumi ang kanyang naging ngiti at umaliwalas ang kanyang mukha.

Continue reading below ↓

Buong giliw na sabi niya, “I’m more relaxed now.

"Pero alam mo kasi, Joseph, kaya napakahirap nitong trabaho natin dahil kinakailangan natin to be very careful with how we report.

"Kasi, kita mo naman kung paano nagri-react ang publiko.

"But, yes, I take your word for it.”

Hindi bago ang isyu na kinasasangkutan ni Joseph.

Nag-trending din noong April 22 ang Zoom conference ni Pasig City Mayor Vico Sotto dahil biglang lumitaw ang litrato ng hubad na lalaki sa zoom background ng isa sa mga kausap niya.

Sa kabila ng kanyang mga pahayag sa Twitter, sinisikap ng Cabinet Files na kunin ang panig ni Joseph tungkol sa karanasan nitong itinuturing niyang nakakahiya at pinagpipistahan ngayon sa social media.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA News reporter Joseph Morong on Twitter booboo: “So embarrassing. Bawasan ko na kaya fina-follow ko? Hahaha un malilinis at busilak na lang haha joke lang but sorry about that."
PHOTO/S: Twitter / GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results