Meg Imperial, nangangamba sa pagpapalabas ng pelikula niya pagkatapos ng enforced quarantine

by Jojo Gabinete
Jun 16, 2020
Posibleng ang pelikula ni Meg Imperial na Sana All, kung saan katambal niya si Arvic Tan, ang unang ipalabas na local movie kapag nagbukas na muli ang mga sinehan.
PHOTO/S: Instagram

Apektado ng coronavirus pandemic ang Sana All, ang romantic movie na pinagbibidahan nina Meg Imperial at Arvic Tan.

Naudlot ang cinema playdate nito noong March 25 dahil sa pagdedeklara ng Enhanced Community Quarantine noong March 15, 2020.

May balitang ang Sana All ang unang pelikulang ipalalabas kapag nagbukas na ang mga sinehan.

Hiningi ng Cabinet Files ang reaksiyon ni Meg tungkol dito.

Hindi itinago ng aktres ang nararamdamang agam-agam.

Pahayag niya, "To be honest, I’m not confident.

"I’m really looking forward for this film cause it’s my first project under BluArt Production.

"I’m hoping na marami ang manood ng Sana All, pero walang kasiguraduhan pa kung gaano kalaki ang magiging pagbabago sa local movie industry because of COVID-19.

"Ang magpalabas ng film now ay isang risk na either we take it or not.

"It’s a thin line na, I’m sure, hindi lang ako ang nag-iisip ng ganito but ang buong production.

Continue reading below ↓

"Maging positive na lang tayo sa ngayon."

UNDER QUARANTINE

Nagkuwento rin si Meg tungkol sa mga pinagkaabalahan at mga napagtanto niya noong nasa ilalim ng enforced quarantine ang Luzon.

“After i-announce yung lockdown, I really don’t know what to do.

"I wasted my time watching and getting depressed.

"Pero I realized na I should change the way I see things.

"So I focused on knowing myself and acquiring knowledge na, maybe, I can use para makapag-adapt to changes.

"I’m using my time to study and create new stream of income.

"I’m also investing my time to get fit and healthy."

Sanay si Meg na hindi lumalabas ng bahay kaya hindi siya nanibago sa kanyang matagal na pananatili sa loob ng tahanan nila.

Wala rin masyadong nagbago sa lifestyle niya.

Pero bilang breadwinner ng pamilya, aminado si Meg na malaki ang epekto sa kanya ng coronavirus pandemic.

"I’m used to staying home so hindi naman naging mahirap for me sa part na ‘yon.

Continue reading below ↓

"Pero yung wala kang trabaho, yung business mo nakasara, malaki ang naging impact sa akin, especially as breadwinner ng family.

"So, wala akong choice kundi ang sumabay sa flow.

"Yung mga akala ko na hindi ko magagawa dati, kaya ko naman pala.

"COVID-19 forced me to grow up."

Ano ang mga dasal mo ngayon?

"Ipinagdarasal ko na matapos na itong pandemic, na maging safe tayo at makapaghanapbuhay nang maayos.

"Na sa lahat ng mga nawalan ng trabaho, makakita sila ng opportunities sa kabila ng crisis na 'to at huwag mawalan ng pag -asa.

"I’m praying na ma-set aside the differences sa opinion at magtulungan tayo para i-angat ang isa’t isa," sagot ni Meg.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Posibleng ang pelikula ni Meg Imperial na Sana All, kung saan katambal niya si Arvic Tan, ang unang ipalabas na local movie kapag nagbukas na muli ang mga sinehan.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results