GMA News reporter Joseph Morong, nakapag-move on na sa controversial photo

by Jojo Gabinete
Jun 16, 2020
GMA News reporter Joseph Morong to his supporters: “Relax guys hehe. Thanks for the messages/support. Labyah haha."
PHOTO/S: Twitter

Trending pa rin ang insidenteng kinasasangkutan ng GMA News reporter na si Joseph Morong.

Hindi sinasadyang nalagay sa alanganin ang sitwasyon ni Joseph nang mahagip ng selfie photo niya ang gayporn photo sa kanyang laptop screen, habang naghihintay siya sa pagsasalita ni President Rodrigo Duterte kagabi, June 15.

“Hehehe, ayos lang,” matipid na sagot ni Joseph nang kumustahin ng Cabnet Files kung naging mahimbing ang kanyang pagtulog pagkatapos ng "embarrassing" experience niya.

Bukod sa mga tweet niya tungkol sa insidente, hiningi namin nang personal ang panig ni Joseph sa pamamagitan ng mga text message na aming ipinadala sa kanya.

Sagot niya sa amin, “Thanks for reaching out. Will post this on my timeline hehe (no more retweets of you know what haha)."

Nilinaw rin ni Joseph na hindi niya retweet ang lumabas sa kanyang timeline.

Dagdag niya, "All good hehe. There are more important things to do [wink] hehe."

Nakilala si Joseph bilang tagapagbalita, pero siya na ngayon ang laman ng mga balita.

Continue reading below ↓

Nagpasalamat din si Joseph sa lahat ng mga taong hindi siya hinusgahan at nagpaabot ng suporta sa kanya.

Mensahe niya: “Relax guys hehe. Thanks for the messages/support. Labyah haha."

Tinanong din namin si Joseph kung ano ang pakiramdam niya dahil sa netizens na nagpahayag ng pagnanasa sa kanya, at tinatawag siyang “idol” dahil sa insidenteng talk of the town sa kasalukuyan.

“Yari na tayo niyan haha!” maikling reaksiyon ni Joseph.

Tiyak na maluluma sa mga susunod na araw ang isyu ni Joseph kapag nagkaroon ng mas malaking balita na pupukaw sa interes ng mga kababayan nating kaligayahan na ang pagpistahan ang buhay ng ibang mga tao.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA News reporter Joseph Morong to his supporters: “Relax guys hehe. Thanks for the messages/support. Labyah haha."
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results