Jackie Forster, stylist ng "caveman to civilized" transformation ni Andre Paras

by Jojo Gabinete
Jun 16, 2020
Jackie Forster, ipinamalas ang kanyang talento sa hair styling nang gupitan ang panganay na anak na si Andre Paras. Maligayang-maligaya rin siya dahil madalas niyang maka-bonding ang limang anak.
PHOTO/S: @jackie_forster Instagram

Hindi lamang pag-arte ang talent ni Jackie Forster dahil mahusay siyang maggupit at magkulay ng buhok.

Sampung buwan niyang pinag-aralan ang hair styling nang madestino sa Singapore noong 2009 ang kanyang Dutch husband.

Ipinamalas ni Jackie ang husay niya sa haircutting nang gupitan niya ng buhok ang panganay na anak na si Andre.

Continue reading below ↓

Nagkaroon ng complete transformation si Andre.

Mula sa kanyang "caveman" look, bumalik na sa sibilisasyon ang dating ng kanyang polished haircut at trimmed beard.

Caption ni Jackie sa kanyang Instagram post noong June 13:

"Kuya’s turn! Style and beard trim for my Pogi boy number 1

"So happy @andreparas let mama cut his caveman hair

"#quarantinehaircut #homeservice"

Continue reading below ↓

Hindi pa nasusubukan ni Jackie na gupitan ng buhok ang kanyang pangalawang anak na si Kobe, na hindi makapaniwalang may talent sa paggugupit ang nanay niya.

Hinintay at tiningnan muna ni Kobe ang resulta ng gupit na ginawa ni Jackie kay Andre.

HOT STORIES

JACKIE'S SALON IN MALAYSIA

Pero noon pa man ay naibahagi na ni Jackie sa Cabinet Files at sa YES! Magazine team ang kanyang hilig sa hair styling.

Iyon ang isa sa mga bagay na nalaman namin kay Jackie nang puntahan namin siya sa posh condo unit ng kanyang pamilya sa Kuala Lumpur, Malaysia, noong 2013.

May exclusive interview noon ang YES! Magazine sa kanya.

Isa sa mga naikuwento niya ay ang hair styling at hair coloring courses niya noon sa Toni & Guy Academy at Urban Beauty Academy sa Singapore.

Nag-aral din si Jackie ng iba’t ibang make-up techniques sa School of Make-Up and the Make Up For Ever Academy sa Kuala Lumpur.

Continue reading below ↓

Noong naninirahan pa siya at ang kanyang pamilya sa Malaysia, napakinabangan ni Jackie ang mga kaalaman niya sa hair color at make-up.

Nagkaroon ng brilliant idea ang aktres na i-convert sa beauty studio ang guest room sa tinitirahan nilang condo.

Pinangalanan niya ang munting salon na Jackie’s Place.

Continue reading below ↓

SON KOBE LOOKS AFTER YOUNGER SIBLINGS

Si Jackie ang celebrity player kahapon, June 15, sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga.

Dahil wala siyang kasambahay, ang anak na si Kobe ang naiwan sa bahay na tinutuluyan ng aktres kasama ng tatlo niyang bagets na anak.

Tatlo ang anak ni Jackie sa second husband na si Michel Franken: sina Jared, Caleigh, at Yohan.

Continue reading below ↓

Si Kobe ang naatasang mag-alaga at magluto ng pagkain para sa kanyang tatlong nakababatang kapatid.

Maligayang-maligaya si Jackie nang batiin nito sa Eat Bulaga! ang "Barangay Jackie" na tawag niya sa kanyang limang anak.

Madalas nang nakakasama ni Jackie sina Andre at Kobe makalipas ang matagal na panahong pagkakahiwalay.

Consistent naman si Jackie sa pagsasabing grateful siya sa Panginoong Diyos dahil ipinagkaloob Nito ang kanyang matagal nang panalangin: na dumating sana ang araw na makumpleto at magkasama-sama ang mga anak niya.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jackie Forster, ipinamalas ang kanyang talento sa hair styling nang gupitan ang panganay na anak na si Andre Paras. Maligayang-maligaya rin siya dahil madalas niyang maka-bonding ang limang anak.
PHOTO/S: @jackie_forster Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results