John Prats, matagal di makakapiling ang pamilya dahil sa lock-in taping ng Ang Probinsyano

by Jojo Gabinete
Jun 18, 2020
Maagang nakatanggap ng Father's Day gift ang aktor na si John Prats mula sa panganay nila ni Isabel Oli na si Feather. Matagal kasing hindi makakapiling ng aktor ang kanyang pamilya dahil sa pagre-resume ng taping ng Ang Probinsyano.
PHOTO/S: Isabel Oli Prats Facebook

Tuloy na tuloy ang taping ng Ang Probinsyano sa linggong ito.

Kukunan ang mga eksena sa Eugenio Lopez Center sa Antipolo City at sa ABS-CBN sound stages sa San Jose del Monte, Bulacan.

Nag-check in sa isang hotel sa Quezon City kahapon, June 17, ang cast members ng drama action series na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Obligado ang lahat ng mga kasali sa production na manatili sa isang lugar pagkatapos sumailalim sa COVID-19 rapid test bilang precautionary measure.

Ang locked-in taping ng mga artista at production staff ng Ang Probinsyano ang dahilan kaya may mga ama, tulad ni John Prats, na hindi makakapiling ang kanilang pamilya sa Father’s Day, na gugunitain at ipagdiriwang sa Linggo, June 21.

Sa pamamagitan ng Facebook post ng misis niyang si Isabel Oli, nakumpirmang matagal na hindi nila makakasama si John dahil balik-taping na ang kanyang asawa para sa Ang Probinsyano.

Ito ang dahilan kaya maagang ibinigay ng kanilang anak na si Feather ang Father’s Day gift nito—isang pillow case na may personalized handwritten note niya—kay John.

Continue reading below ↓

Caption ni Isabel sa litrato ng mag-ama: “True enough, when Feather gave this to her Papa last night, he got teary-eyed. Simple, but perhaps, one of the most meaningful presents her Papa has ever received.

“A very fitting gift as well since John will soon be returning back to work and will not be with us for quite sometime. He can bring this with him wherever he goes. (For sure he will miss us, and we will miss him too especially Feather since she is such a Papa’s girl).”

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maagang nakatanggap ng Father's Day gift ang aktor na si John Prats mula sa panganay nila ni Isabel Oli na si Feather. Matagal kasing hindi makakapiling ng aktor ang kanyang pamilya dahil sa pagre-resume ng taping ng Ang Probinsyano.
PHOTO/S: Isabel Oli Prats Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results