Sino ang "reyna" na pipirma ng kontrata sa GMA Artist Center?

by Jojo Gabinete
Jun 18, 2020
Mahuhulaan mo ba kung sino ang aktres na bagong talent ng GMA Artist Center?
PHOTO/S: GMA Artist Center

Gugunitain bukas, June 19, ang 159th birth anniversary ng ating Pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal.

Walang pasok sa lalawigan ng Laguna dahil sa bisa ng Republic Act 11144, o batas na nagtatalaga sa June 19 bilang special nonworking holiday.

Nilagdaan ito ni President Rodrigo Duterte noong December 2018.

Red-letter day naman ang June 19 para sa GMA Artist Center (GMAAC), ang talent management agency ng GMA Network Inc.

Nakatakda bukas ang pagpirma sa GMAAC ng management contract ng isang aktres, na itinuturing na reyna sa local entertainment industry.

Marami ang naintriga sa katauhan ng aktres dahil sa mga teaser ad na inilabas ng GMAAC na may mga caption na “May Parating na Reyna sa GMA Artist Center."

May teaser din na nagsasabing "1 Day To Go, Are You Ready To Meet The Queen?"

Bandang 11 a.m. ng June 19 ang naka-schedule na oras nang pagpirma ng kontrata ng aktres at saka ito opisyal na ipakikilala bilang bagong talent ng GMAAC.

Continue reading below ↓

Makakapanayam din ang aktres hinggil sa desisyon niya na ipagkatiwala at ipaubaya sa talent management agency ng GMA-7 ang pamamahala sa kanyang career.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mahuhulaan mo ba kung sino ang aktres na bagong talent ng GMA Artist Center?
PHOTO/S: GMA Artist Center
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results