Chanda Romero, nanawagan ng plasma donation para sa inang may COVID-19

by Jojo Gabinete
Jun 19, 2020
Prima Donnas actress Chanda Romero: "We are in dire need of plasma from Covid patients who have recovered. If there is anyone out there who is willing to donate plasma, please PM me your contact number and we will call you."
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

Noong June 16, nanawagan ang veteran actress na si Chanda Romero sa sinumang puwedeng magbigay ng plasma para sa kanyang ina na si Meding.

Naka-confine sa Cebu Doctor’s University Hospital ang ina ni Chanda dahil sa COVID-19.

Panawagan niya: "My Mother is now confined in Cebu Doctors' University Hospital due to Covid19.

"We are in dire need of plasma from Covid patients who have recovered.

"If there is anyone out there who is willing to donate plasma, please PM me your contact number and we will call you.

"We shall be very grateful for the help you can extend to our family. God bless you."

Noong Miyerkules, June 17, muling inulit ni Chanda ang apela na kailangan ng plasma ng kanyang ina.

"My dear Mother is in dire need of plasma.Please help us," pakiusap ni Chanda na labis na nag-aalala sa kalagayan ng nanay niya.

Muling ibinalik ni President Rodrigo Duterte sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Cebu City mula June 15 hanggang June 30 dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Continue reading below ↓

As of June 18, 4,137 ang bilang ng COVID-19 cases sa Cebu kaya itinuturing itong epicenter ng coronavirus pandemic sa Visayas.

Si former Senator JV Ejercito ang isa sa mga nagpahayag ng pagkabahala sa sitwasyon sa Cebu kaya umaasa siyang makokontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Prima Donnas actress Chanda Romero: "We are in dire need of plasma from Covid patients who have recovered. If there is anyone out there who is willing to donate plasma, please PM me your contact number and we will call you."
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results