Si Ai-Ai delas Alas ang "reyna" na pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center

by Jojo Gabinete
Jun 19, 2020
Ai-Ai delas Alas: "Ipinagdiriwang ng Kapuso Network ngayong 2020 ang 70th anniversary nila. Kaya ang paglipat ko sa GMAAC ang fitting tribute ko sa network na unang nagtiwala sa kakayahan ko."
PHOTO/S: Courtesy of GMA Artist Center

Limang taon ang kontratang pinirmahan ni Ai-Ai delas Alas sa GMA Artist Center (GMAAC), ang talent management agency ng GMA Network, ngayong Biyernes, June 19.

Hindi nagdalawang-isip ang Comedy Queen na lumipat sa GMAAC dahil para sa kanya, "it’s payback time" sa television network na nagbigay ng unang pagkakataong lumabas siya sa telebisyon.

Ang late-night show na R.S.V.P. ang unang programa ni Ai-Ai sa GMA 7 noong 1991. Dito nakilala ang kanyang character bilang si Cheenie La Chika.

Naging co-host din siya ng mga noontime shows na Lunch Date (1991-1993) at SST: Salo-Salo Together (1994-1995).

Ang sitcom nila nina Vic Sotto at Rosanna Roces, 1 For 3, ang huling programa ni Ai-Ai sa GMA-7 bago siya lumipat sa ABS-CBN noong 1998.

Makalipas ang labimpitong taon, bumalik si Ai-Ai sa Kapuso Network noong April 2015.

Pumirma siya ng program contract at, ngayon, management contract naman ang pinirmahan niya sa GMAAC.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Ai-Ai, "It’s payback time sa GMA-7 dahil dito naman talaga nagsimula ang career ko bilang entertainer.

"Saka, ipinagdiriwang ng Kapuso Network ngayong 2020 ang 70th anniversary nila.

"Kaya ang paglipat ko sa GMAAC ang fitting tribute ko sa network na unang nagtiwala sa kakayahan ko.

"Thirty years na rin ako sa entertainment industry, at may plano akong mag-semi-retire.

"Kaya gusto kong umuwi sa bahay na pinanggalingan at pinagsimulan ng career ko na malaki ang kontribusyon sa kung ano ako ngayon."

Bago pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center, si Ai-Ai ay nasa pangangalaga noon ng Asian Artists Agency.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas: "Ipinagdiriwang ng Kapuso Network ngayong 2020 ang 70th anniversary nila. Kaya ang paglipat ko sa GMAAC ang fitting tribute ko sa network na unang nagtiwala sa kakayahan ko."
PHOTO/S: Courtesy of GMA Artist Center
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results