First meeting nina Vico Sotto at Bea Alonzo, marami ang kinilig!

by Jojo Gabinete
Jun 20, 2020
Ngayong araw, June 20, 2020, nagkakilala sina Bea Alonzo (kanan) at Vico Sotto (kaliwa) nang personal na dinala ng aktres sa Pasig ang donasyon ng foundation niyang I Am Hope.
PHOTO/S: @hershjade on Instagram

Personal na nagsadya ngayong araw, June 20, 2020, Sabado ng hapon, 2:30 pm, sa Pasig City ang I AM HOPE founders na sina Bea Alonzo at Rina Navarro.

Bea Alonzo Rina Navarro

Personal nilang ibinigay kay Pasig City Mayor Vico Sotto (gitna) at Pasig City House Representative Roman Romulo (pangalawa mula kaliwa) ang mga donasyon ng kanilang organisasyon para sa frontliners, mga tatay na tagalinis ng kalsada, at mga kolektor ng basura sa naturang siyudad.

Continue reading below ↓

Kasama rin sa photo ang maybahay ni Romulo na si Shalani Soledad (kaliwa).

Bea Alonzo Vico Sotto Roman Romulo Shalani soledad Rina Navarro

Itinaon ng I AM HOPE sa bisperas ng Father’s Day celebration ang pagkakaloob ng kanilang mga donasyon na relief goods at disinfectants bilang tribute sa mga unsung heroes—ang mga ama na naglilingkod sa Pasig City bilang garbage collectors at streetsweepers.

Continue reading below ↓

May mga kinilig sa unang pagkakataong nagkita sina Bea, 32, at Vico, 31, dahil parehong single ang dalawa.

No girlfriend since birth ang claim ni Vico samantalang well-publicized ang breakup nina Bea at Gerald Anderson noong nakaraang taon.

"Grabe, kinikilig lahat sa kanila ang fans na taga-Pasig,” ang pagpapatotoo ni Rina sa reaksiyon ng mga saksi sa pagtatagpo nina Bea at Vico nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong gabi.

Idinagdag ni Rina na masaya si Vico sa mga donasyon ng I AM HOPE na ibabahagi rin sa pamilya ng mga COVID-19 survivors sa Pasig City.

"Hi Mama! Nakilala ko na ang paborito mo! Joke! “ ang intro naman ni Bea sa Instagram post nito tungkol sa pagbisita ng I AM HOPE sa baluarte ni Vico, na pinasalamatan ng dalaga dahil sa pag-aasikaso sa grupo nila.

Continue reading below ↓

Ang caption ng aktres: "Team I AM HOPE went to Pasig this afternoon to turn over relief bags and disinfectants for the frontliners. Thank you, Mayor Vico Sotto and Cong. Roman Romulo, for your time.

"In line with Father’s Day, we intend to celebrate the [fathers] who choose to serve the community by cleaning the streets and picking up our garbage.

"Maraming salamat po sa mga tatay na street sweepers at garbage collectors sa pagtulong sa ating komunidad at sa pagtatrabaho nang marangal para sa kanilang pamilya.

"From the I AM HOPE FAMILY, HAPPY FATHER’S DAY!”

Trivia. Personal na kilala ni Bea ang ama ni Vico na si Vic Sotto dahil sila ang magkapareha sa Pak! Pak! My Dr. Kwak, ang pelikulang joint venture ng M-Zet Productions at ng Star Cinema noong 2011.

Nakatrabaho rin ni Bea sa pelikula ang nanay ni Vico na si Coney Reyes.

Mag-ina ang karakter na ginampanan nina Coney at Bea sa Four Sisters and a Wedding, ang comedy-drama movie ng Star Cinema noong 2013.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong araw, June 20, 2020, nagkakilala sina Bea Alonzo (kanan) at Vico Sotto (kaliwa) nang personal na dinala ng aktres sa Pasig ang donasyon ng foundation niyang I Am Hope.
PHOTO/S: @hershjade on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results