Walang duda, si Sharon Cuneta ay isang bilyonarya!

by Jojo Gabinete
Jun 21, 2020
Sharon Cuneta: “Bilyonarya na ako sa sariling pera ko, matagal ko nang nalagpasan ang yaman ng mga magulang ko...."
PHOTO/S: Noel Orsal

Kahit hindi sabihin ni Sharon Cuneta, alam ng lahat na bilyonarya siya.

Megastar nga ang status niya sa Philippine entertainment industry, at walang kumukwestyon dito.

Hindi na puwedeng mabura ang pangalan ni Sharon sa kasaysayan ng Philippine showbiz dahil sa kanyang mga kontribusyon—ang kanyang mga pelikulang pinilahan sa box office, ang sold-out concerts, ang top-rating television shows, at ang hindi na mabilang na mga product endorsements.

Hindi nagmamalaki si Sharon nang ipamukha at sabihin nito sa isang reporter na nakasakit sa kanyang damdamin, “Bilyonarya na ako sa sariling pera ko, matagal ko nang nalagpasan ang yaman ng mga magulang ko. Long before TV5, jusko, meron na ako niyan!”

Noong May 14, 2017, nag-post si Sharon sa Facebook page nito tungkol sa mga pagsubok na pinagdaraanan at dito unang nabanggit ang billionaire status niya dala ng kanyang pahayag na, “I owe so much money (on very good investments not stupid stuff) and I have NO ONE IN THE WORLD TO HELP ME. I am probably the poorest, most cash-strapped billionaire you know!”

Continue reading below ↓

Sa kanyang guesting sa Tonight with Boy Abunda noong June 2017, muling nagsalita si Sharon tungkol sa kanyang financial status.

Aniya, "I am so sorry. I don’t mean to brag, but I’m not bankrupt. I have been a billionaire since before I married Kiko [Pangilinan].”

Noong May 5, 2020, hindi napigilan ni Sharon ang mapaluha sa kanyang live Instagram chat dahil sa awa na nararamdaman niya para sa mga empleyado na apektado ng pagpapasara ng National Telecommunications Commission sa ABS-CBN.

"'Tapos yung staff namin mismo at crew, sila yung mawawalan ng trabaho. Ako, okey lang, alam niyo naman lahat, bilyonarya na ako [laughs]. Okey na ako pero sila…” ang nag-aalaalang sambit ni Sharon.

Noong May 12, 2020, hindi pinalampas ni Sharon ang nasty comment ng isang basher, at dito'y binanggit niyang mahigit sa PHP2.3 million ang donasyon na natanggap ng kanyang Mother’s Day fundraiser, ang Love and Music Sharon: A Mother’s Day Special.

Continue reading below ↓

"Where you going to put the donation in your account (sic)," ang reaksiyon ng basher, na inilagay ni Sharon sa kanyang wastong lugar. Sagot ng Megastar dito, "No, thank you. I'm a billionaire. I don't need to take money from anyone. But I do help. Do you?"

Kasama sina Willie Revillame, House Representative Vilma Santos-Recto, Senator Manny Pacquiao, Senator Bong Revilla Jr., at Vic Sotto, hindi nawawala ang pangalan ni Sharon sa listahan ng mga pinakamayayamang artista sa Pilipinas.

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta: “Bilyonarya na ako sa sariling pera ko, matagal ko nang nalagpasan ang yaman ng mga magulang ko...."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results