Chubi del Rosario at Rainier Castillo, nagbalik-tanaw sa buhay showbiz

by Jojo Gabinete
Jun 22, 2020
Kabilang ang T.G.I.S. star na si Chubi del Rosario (kaliwa) at ang StarStruck alumnus na si Rainier Castillo sa mga dating celebrities na naging choices sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga! ngayong Lunes, June 22.
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga!

Naging sentimental ang viewers ng June 22 edition ng "Bawal Judgmental" sa Eat Bulaga.

Ito ay dahil ang mga pinagpilian ay mga artistang hinahangaan nila noon pero hindi na aktibo ngayon sa showbiz.

Sina Chubi del Rosario ng T.G.I.S. at Rainier Castillo ng StarStruck Season 1 ang dalawa sa celebrity guests na kinasabikan ng fans dahil matagal na silang hindi napapanood sa telebisyon.

CHUBI DEL ROSARIO

Labing-anim na taon nang hindi humaharap si Chubi sa kamera mula nang talikuran niya ang showbiz noong 20 years old siya.

"Gusto kong maranasan ang buhay na wala sa showbiz,” sabi ni Chubi, na nagsimula ang acting career noong nine years old.

Nang maging teenager si Chubi, si Anne Curtis ang ka-love team niya.

Hanggang ngayon, may komunikasyon sila.

Kuwento ni Chubi, "Recently, nag-usap kami. Nagkaroon kami ng parang reunion ng batch namin sa TGIS.

"Nag-meeting kami online, I think, like, mga two hours yata kami and sobrang nag-enjoy kami.

Continue reading below ↓

"Old friends talaga na catching up lang."

Hindi pa rin lubusang tinalikuran ni Chubi ang pag-arte dahil sa mga stage play na sinasalihan niya.

"Umaarte pa rin ako. Nag-teatro ako for ten years.

"Nag-host naman ako for events. Ongoing pa rin siya, mga kiddie parties.

"Nag-business din ako and, hanggang ngayon, patuloy pa rin siya.

"I’m also a coach and trainer din."

Dagdag niya, "I would say, compared sa dati, medyo wild.

"Lumalabas-labas, nagpa-party-party, umiinom, mga gimik-gimik.

"Ngayon, I would say more on very chill na ang buhay ko.

"More on business... I focused on wellness ngayon, more on meditation.

"So, yun ang mga kino-coach ko and trained, so very relaxed compared to before."

Limang taon nang may karelasyon si Chubi, pero wala pa sa plano nila ang magpakasal.

Aniya,” Happy pa kami exploring life.”

RAINIER CASTILLO

"Napagod" daw si Rainier kaya pitong taon na siyang inactive sa showbiz.

"May time na dumating na medyo nakakapagod na rin.

Continue reading below ↓

"Yung halos hindi ko na nakakasama yung family, lalo na kapag mga okasyon na Pasko," lahad niya.

Pero hindi itinanggi ni Rainier na nami-miss niya ang pagpupuyat, mga raket, at ang mga out-of-town shows.

Ang pagsali niya sa StarStruck ang itinuturing ni Rainier na hindi makalilimutang karanasan sa showbiz.

Isang taon nang kasal si Rainier at ang kanyang misis na si Diane.

Magiging dalawa na ang kanilang anak.

Bukod sa pagkakaroon ng stepson, isisilang ni Diane ngayong buwan ang panganay nila ni Rainier.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang T.G.I.S. star na si Chubi del Rosario (kaliwa) at ang StarStruck alumnus na si Rainier Castillo sa mga dating celebrities na naging choices sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga! ngayong Lunes, June 22.
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results