Bar topnotcher noong 2017, nag-out sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga

by Jojo Gabinete
Jun 25, 2020
Hindi napigilang maging emosyunal ng host na si Paolo Ballesteros (kaliwa) habang ikinukuwento ni Atty. Klinton Torralba (kanan) ang desisyong umamin tungkol sa kanyang sexual orientation.
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga!

Muling napaluha si Paolo Ballesteros sa Thursday edition ng "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga.

Ito ay dahil sa rebelasyon ni Atty. Klinton Torralba, ang Top 9 sa Philippine bar exam noong 2017.

Kabilang si Klinton sa mga participants sa top-rating segment ng Eat Bulaga! nitong Huwebes ng hapon, June 25.

Pinili niya ang "Bawal Judgmental" para ipagtapat sa kanyang mga magulang ang kanyang tunay na sexual orientation.

Si Yayo Aguila ang celebrity player sa "Bawal Judgmental."

Pinahulaan sa kanya kung sino sa mga participant ang nagtapos ng college bilang cum laude.

Pero hindi kasama si Klinton sa choices ni Yayo.

Sa interbyu nina Paolo at Jose Manalo kay Klinton, ipinagtapat nito ang pagiging cum laude nang mag-graduate sa University of Santo Tomas.

Bar topnotcher din siya noong 2017.


Continue reading below ↓

Sinamantala ni Klinton ang pagkakataon para sabihin sa national television na gay siya, para sa kaalaman at kapakanan ng kanyang mga magulang.

Lahad niya, “Actually, ang paalam ko sa parents ko today, I will go to work.

"But last night, as I was preparing my clothes, siguro nagtataka sila bakit ang dami kong dala.

“Now, here I am.

"Actually, before the show started, I’m still anxious about it.

"And now, it’s not really coming out because, for me, as you can see, it’s so obvious, I am part of the LGBT community.

“To my mind, it’s so obvious.

"But I guess, in our family, we never had the chance to talk about it because, as a traditional Filipino family, especially I’m from the province, it’s not really matters that we want to talk about.

“I guess, they were not ready and I was not ready.

"But until like nights ago, when this opportunity was given to me, sabi ko, 'Parang puwede. Why not confirm it on a national TV?'

Continue reading below ↓

Si Jose ang nagtanong kay Klinton sa mensahe na nais nitong iparating sa kanyang mga magulang tungkol sa tunay na sexual orientation niya.

Nangako si Klinton na hindi siya iiyak, pero nangibabaw pa rin ang kanyang emosyon habang nagsasalita.

“I promise I won’t cry.

"But Mama and Papa, everything that I did has always been for you, the both of you, especially for our family.

"And I’m sure, you noticed that I’m behaving differently, because there’s a burden in my heart and I cannot express myself, and there are a lot of responsibilities on top of that.

“I just want to unburden myself and the family of this dilemma, so here I am and I know for a fact that you’ll accept me.

“I will never stop making you proud.

"Sure ako na bilang abogado, alam niyong palaging ipinaglalaban ko ang iba.

"Pero sa pagkakataong ito, sana hayaan niyo naman na ipaglaban ko ang sarili ko,” emosyonal na mensahe ni Klinton para sa kanyang mga magulang.

Continue reading below ↓

Napaluha naman sina Paolo at Yayo.

Mensahe ni Paolo kay Klinton, “I am sure naman na sobrang proud sa 'yo ang parents mo—with achievements o wala.

"I’m sure, very proud sila sa 'yo dahil wala naman ‘yan sa pagkatao.

"Kailangan, mabuting tao."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi napigilang maging emosyunal ng host na si Paolo Ballesteros (kaliwa) habang ikinukuwento ni Atty. Klinton Torralba (kanan) ang desisyong umamin tungkol sa kanyang sexual orientation.
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results