Rhen Escaño, ibinuko kung kaninong kamay ang ginamit sa love scene nila ni Xian Lim sa Untrue

by Jojo Gabinete
Jun 25, 2020
Rhen Escaño on Untrue: "I’m super blessed kasi naging part ako nitong masterpiece na ‘to. Yung mga ganitong klase ng pelikula ang talagang nakaka-proud at patunay na kaya nating makipagsabayan sa mga de-kalidad na pelikula sa ibang bansa."
PHOTO/S: Instagram

Mula nang mag-umpisa noong June 22 ang streaming ng Untrue, hindi ito nawawala sa listahan ng Top 10 Popular Movies at series ng Netflix.

Dahil dito, masaya ang sexy actress na si Rhen Escaño na introducing sa drama-thriller na pinagbibidahan nina Xian Lim at Cristine Reyes.

"I am happy and excited because finally people will get to see the film na sobrang pinaghirapan ng lahat. Isa ito sa pinakamalalim na nagawa ko.

"Malalim dahil hindi biro yung pinagdaanan ng character ko.

"Aminado naman ako na nahirapan ako para ma-pull off yung character kaya thankful ako na nagawa ko lahat dahil sa tulong ng magaling na direktor ko na si Direk Sigrid Bernardo.

"Actually nag-audition ako for the role, and I’m lucky I got the part.

"Dapat abangan ng mga tao kung ano ang magiging papel ko sa pelikula.

"I’m super blessed kasi naging part ako nitong masterpiece na ‘to.

"Yung mga ganitong klase ng pelikula ang talagang nakaka-proud at patunay na kaya nating makipagsabayan sa mga de-kalidad na pelikula sa ibang bansa," sabi ni Rhen sa Cabinet Files.

Continue reading below ↓

Incidentally, hindi pa napapanood ni Rhen sa Netflix ang Untrue dahil bukod sa walang Internet connection, hindi raw matino ang signal sa lugar na kinaroroonan niya.

“Naka-lock in na kasi ako for taping nang i-release ng Netflix ang Untrue.

"Pero twice ko ito na napanood sa cinema, nung premiere night at nang mag-movie night ako with friends.

"Lahat sila nagulat sa mga eksena namin ni Xian."

XIAN LIM'S "DOUBLE"

Ang love scene nila ni Xian ang tinutukoy ni Rhen na ikinabigla ng kanyang mga kaibigan.

In fact, ang nude scene ni Rhen at ang mapangahas na sex scene nila ni Xian ang dalawa sa mga dahilan kaya popular sa Netflix viewers ang Untrue.

Pero may “funny revelation” si Rhen tungkol sa eksenang hinawakan at hinimas ni Xian ang boobs niya.

"Hindi alam ng friends ko na may fun fact behind that scenes.

"Actually, my boyfriend did the part na may 'hawak-hawak' scene.

Continue reading below ↓

"Yes, siya ang nag-double sa hands ni Xian.

"Nag-decide silang ipagawa ang mga intense na eksena sa tao na alam nila na magiging komportable ako and, yup, my boyfriend did that in one take!" natatawang rebelasyon ni Rhen tungkol sa kamay ng kanyang boyfriend na ginamit na double sa kamay ni Xian sa isang sizzling scene sa Untrue.

Trivia: Introducing si Rhen sa Untrue pero mas naunang ipinalabas sa mga sinehan ang Adan, ang controversial launching movie nila ni Cindy Miranda.

Noong February 19, 2020 ang cinema playdate ng Untrue, samantalang November 20, 2019 nang magbukas ang Adan sa mga sinehan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhen Escaño on Untrue: "I’m super blessed kasi naging part ako nitong masterpiece na ‘to. Yung mga ganitong klase ng pelikula ang talagang nakaka-proud at patunay na kaya nating makipagsabayan sa mga de-kalidad na pelikula sa ibang bansa."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results