Pabor ka bang palitan ang pangalan ng NAIA sa Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas?

by Jojo Gabinete
Jun 26, 2020
Ipinapanukala ni presidential son at Davao City First District House Congressman Paolo Duterte at dalawa pang kongresista na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport sa Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.

May bagong pagsubok na haharapin ang mga Pilipino at mga dayuhang nagpaplanong bumisita sa Pilipinas—ang tongue-twister o makapilipit-dilang pagbigkas sa Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.

Ito ay kung sakaling ipasa ng Kongreso ang House Bill No. 7031 o ang panukalang palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Si presidential son at Davao City First District House Congressman Paolo Duterte, kasama sina House Representatives Lord Allan Jay Velasco at Eric Go Yap ng ACT-CIS Party-list, ang may akda at nagsusulong sa House Bill No. 7031.

Ayon sa kanila, "Having a very Filipino name for our international gateway sparks nationalism in each and every one of us."

Naniniwala rin silang ang wikang Pilipino ang nararapat na unang makita at mabasa sa airport ng mga turista at ng mga bumibisita sa ating bansa.

Pagpapatunay raw ito ng pagmamalaki sa ating heritage o pamana.

Manila International Airport (MIA) ang orihinal na pangalan ng international airport ng Pilipinas.

Continue reading below ↓

Pinalitan ito ng Ninoy Aquino International Airport noong 1987, sa bisa ng Republic Act No. 6639 sa panahon ng panunungkulan ni President Corazon Aquino, bilang pagpupugay sa asawa nitong si former Senator Ninoy Aquino na pinatay sa tarmac ng MIA noong August 21, 2983.

Hindi ang isinusulong na panukala nina Duterte, Velasco, at Yap ang unang pagtatangkang palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport.

Noong 2017, nagkaroon ng petisyong ibalik sa dating pangalan na Manila International Airport ang pandaigdigang paliparan ng Pilipinas, na kasali sa listahan ng world’s worst airport mula 2011 hanggang 2013 at pangwalo bilang bilang worst airport sa Asia noong 2015.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinapanukala ni presidential son at Davao City First District House Congressman Paolo Duterte at dalawa pang kongresista na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport sa Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results