Rhen Escaño, "super blessed" mapasama sa cast ng Ang Probinsyano

by Jojo Gabinete
Jul 4, 2020
Rhen Escaño: "I mean, sabi kasi nila, ganap ka nang artista kapag nakapag-guesting ka sa Ang Probinsyano."
PHOTO/S: @realrhen Instagram / FPJ's Ang Probinsyano

Para sa sexy actress na si Rhen Escaño, isang malaking biyaya na bahagi siya ngayon ng cast ng FPJ's Ang Probinsyano.

Ang guesting sa primetime series na pinagbibidahan ni Coco Martin ang tinutukoy ni Rhen nang sabihin nitong “naka-lock in” siya sa taping kaya hindi pa niya napapanood sa Netflix ang Untrue.

Ang Untrue ay ang Viva Films movie kung saan may mahalagang papel si Rhen at pinabibidahan nina Xian Lim at Cristine Reyes.

“I’m super blessed! I mean, sabi kasi nila, ganap ka nang artista kapag nakapag-guesting ka sa Ang Probinsyano," sabi ni Rhen sa Cabinet Files.

"Actually, nalaman ko na gusto akong makita ni Direk Coco for the role right after ng premiere ng Adan."

Ang Adan (2019) ay ang lesbian film na pinagbidahan nina Rhen at Cindy Miranda.


Continue reading below ↓

Patuloy ni Rhen, "I’m so happy na sunud-sunod talaga yung mga blessing. Matagal ko rin talaga hinintay ang lahat ng mga nangyayari ngayon sa career ko.

"So, right after Adan na sexy side yung pinakita ko, I’m lucky enough na may bagong side ako agad na naipakita sa mga tao.

"Iniiwasan ko rin na ma-typecast as sexy star dahil I know na I can do so much pa as an actor."

BRATTY AND MEAN

Ginagampanan ni Rhen sa Ang Probinsyano ang karakter ni Clarice Padua, ang anak nina Tirso Cruz III at Ara Mina.

"My role is Clarice Padua, daughter ng executive secretary ng presidente played by Tito Tirso Cruz.

"She’s brat and mean, pero I think grabe siya magmahal to the point na kaya niyang magpakagaga para sa love like me!" natatawa niyang sabi.

"Siya ang ka-love triangle sa relasyon nina Cardo [Coco] at Alyana [Yassi Pressman].

"Not too much preparations naman on my part, pero as an actor, I make sure na pagdating ko palagi sa set, handa ako.

Continue reading below ↓

"Ready ako sa lahat ng mga ipapagawa sa akin."


Sabi pa ni Rhen, "Iba ang sistema sa Ang Probinsyano, iba. Kailangan ready ka sa lahat ng mga ipagagawa sa 'yo, at dapat talaga maging matalino ka na aktor.

"Ibang-iba rin ang production ng Ang Probinsyano kumpara sa ibang production, walang script-script.

Continue reading below ↓

"On the spot lahat, so you have to be mentally, emotionally, physically prepared all the time."

Nagkuwento rin si Rhen sa Cabinet Files tungkol sa reaksiyon ng televiewers sa kanyang karakter na kinaiinisan.

Pero isa lang ang kahulugan: effective siya sa role niya sa Ang Probinsyano.

"And being Clarice is so fun to do! I get to play with the character.

"Masaya din talaga minsan na maipapakita mo yung iba’t ibang kaya mong gawin as an actor.

"Nakakatuwa na sobrang daming tao na ang naiinis sa character ko and, at the same time, they keep on telling me na they hate Clarice but they love Rhen.

"Meaning, I’m effective! I’m humbled and blessed na part ako ngayon ng longest-running primetime show in the Philippines kasama ang mga naglalakihang artista sa industriya.

"Every day, ang dami-dami ko natututuhan sa kanila."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhen Escaño: "I mean, sabi kasi nila, ganap ka nang artista kapag nakapag-guesting ka sa Ang Probinsyano."
PHOTO/S: @realrhen Instagram / FPJ's Ang Probinsyano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results