Pagna-number one ng Ang Pangarap Kong Holdap sa Netflix, di ikinagulat ni Jerald Napoles

by Jojo Gabinete
Jul 5, 2020
Jerald Napoles (extreme left) on Ang Pangarap Kong Hoodlum's success on Netflix: "We could've reached a blockbuster success if it was shown all over the Philippines during its cinema run, pero baka nga kaya nangyari yun dahil mas destined kami na mag-number one sa pinakasikat na digital platform para sa pelikula." The film also stars (left to right) Pepe Herrera, Jelson Bay, and Paolo Contis.

Hindi namalayan nang ipinalabas sa mga sinehan noong November 28, 2018 ang Ang Pangarap Kong Holdap, ang comedy at critically-acclaimed movie nina Jerald Napoles, Pepe Herrera, Jelson Bay, at Paolo Contis.

Bukod sa R-16 classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) MTRCB, limitado ang bilang ng mga sinehang pinagtanghalan noon ng Ang Pangarap Kong Holdap.

Ito ay dahil sa mga reklamong may bad connotation ang pamagat ng pelikula.

Number one ngayon sa Netflix ang Ang Pangarap Kong Holdap kaya maligayang-maligaya ang cast nito.

Naniniwala si Jerald na naging blockbuster sana ang Ang Pangarap Kong Holdap kung naipalabas sa cinemas nationwide at hindi ito naging biktima ng diskriminasyon.

"We could've reached a blockbuster success if it was shown all over the Philippines during its cinema run, pero baka nga kaya nangyari yun dahil mas destined kami na mag-number one sa pinakasikat na digital platform para sa pelikula.

"We’re the first Filipino movie that made it to top 1 after 24 hours of its premiere sa Netflix," may pagmamalaking pahayag ni Jerald sa panayam ng Cabinet Files ngayong Linggo, July 5.

Continue reading below ↓

Sabi pa niya, "Aaminin ko po na medyo inasahan ko na magkakaganito dahil alam ko ang klase ng tawa na kayang ibigay ng pelikula sa kahit anong uri ng tao sa Pilipinas.

"Number one kami dahil sa tawa na ‘yan, sa ligayang ibinigay ng pelikula.

"Kahit sa ilang oras, e, walang kinalaman ang pinanood nila sa mga nangyayari ngayon, as in wala.

"Nakalimutan natin ang coronavirus pandemic, ang crisis, ang pulitika, at kung ano-ano pa.

"Honest comedy ang movie namin. Walang preno kaya irreverent, pero may story, at yun ang gusto ngayon ng mga tao.

“At ang positive reviews ay dahil sa gusto nila i-share ang sayang naligayahan sila, pero hindi nila ma-explain kaya congrats sa amin.

"Sana magkaroon ng Part 2," masayang-masayang sabi ni Jerald.

Si Marius Talampas ang direktor ng Ang Pangarap Kong Holdap, na pinupuri ng Netflix viewers at highly recommended nila na dapat panoorin dahil, nakakatawa na ang pelikula, well-crafted pa.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerald Napoles (extreme left) on Ang Pangarap Kong Hoodlum's success on Netflix: "We could've reached a blockbuster success if it was shown all over the Philippines during its cinema run, pero baka nga kaya nangyari yun dahil mas destined kami na mag-number one sa pinakasikat na digital platform para sa pelikula." The film also stars (left to right) Pepe Herrera, Jelson Bay, and Paolo Contis.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results