GMA News reporter Raffy Tima, suportado ang franchise renewal ng ABS-CBN

by Jojo Gabinete
Jul 6, 2020
Raffy Tima: “Respeto at suporta sa aking mga kapwa mamamahayag. Naway patuloy namin kayong makasama sa pagbabalita."
PHOTO/S: Instagram

Lumakas ang panawagan para sa Yes vote ng mga miyembro ng House of Representatives sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Marami kasi ang nag-akalang ngayong Lunes, July 6, malalaman ang kapalaran ng Kapamilya Network.

Isang insider ang nagsabing ngayon ang huling araw ng pagdinig sa franchise application ng ABS-CBN, pero hindi pa ngayon mangyayari ang pinakahihintay na hatol.

Tiniyak naman ng insider na magaganap ang botohan sa linggong ito.

Ang GMA News anchor at reporter na si Raffy Tima ang isa sa mga nagpahayag ng suporta para sa ABS-CBN.

Pabor si Raffy na muling mabigyan ng franchise ang Kapamilya Network.

Pahayag niya sa kanyang Instagram post ngayong umaga: “Respeto at suporta sa aking mga kapwa mamamahayag. Naway patuloy namin kayong makasama sa pagbabalita."

Kalakip ng mensahe ni Raffy ang larawan ng ABS-CBN tower na nababalutan ng kadiliman.

Continue reading below ↓

Napuno naman ng mga mensahe ng suporta ang Kapamilya Forever wall na inilagay sa Sgt. Esguerra Avenue main entrance ng ABS-CBN kahapon, July 5.

May mga supporters na nag-iwan ng mga stuffed toy, painted poster, personal letters, bulaklak, at mga lobo na kakulay ng logo ng ABS-CBN sa Kapamilya Forever wall na tinawag din na Freedom Wall.

Continue reading below ↓

Noong Biyernes, muling tumindi ang panawagan ng mga empleyado at contract stars ng ABS-CBN na bumoto ng “Yes” ang mga kongresista para mabigyan ng bagong franchise ang kanilang home network at maipagpatuloy nila ang paghahatid ng kasiyahan sa sambayanang Pilipino.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raffy Tima: “Respeto at suporta sa aking mga kapwa mamamahayag. Naway patuloy namin kayong makasama sa pagbabalita."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results