Mga fresh episodes na ang mapapanood sa Love Thy Woman at FPJ's Ang Probinsyano.
Ang dalawang teleserye ay parehong produksiyon ng Dreamscape Entertainment, ang content provider division ng ABS-CBN Corporation.
Kapag sinabing fresh o mga bagong kabanata, kinunan ang mga eksena ng Love Thy Woman at Ang Probinsyano nang magdeklara ang Duterte government ng General Community Quarantine simula noong unang linggo ng Hunyo 2020.
Nang ilipat ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel ang Love Thy Woman noong June 15, 2020, ang mga nakabangkong episodes muna ang kanilang ipinalabas.
Kaya naglagay sila ng paunawa: "Ang mga susunod na eksena, programa o palabas ay nakunan at nabuo bago pa man naideklara at naipatupad ang Community Quarantine."

Ngayong mga bagong kabanata na ng Love Thy Woman ang napapanood, maaari nang huwag gamitin ng production ang paunawang ito para hindi magdulot ng kalituhan sa televiewers.
May paunawa rin ang Ang Probinsyano para sa mga manonood, pero higit itong malinaw at hindi misleading:
“Ang mga artista, crew, at lahat ng nakasama sa paggawa ng programang ito ay sumailalim ng quarantine ng labing-apat na araw at sumunod din sa lahat ng alituntunin upang ingatan ang kalusugan at kaligtasan nila laban sa COVID-19."

Base sa mga nakaraang episodes ng Ang Probinsyano na napanood namin, malinaw na kinunan ang mga eksena sa Leviste Equesterian Park at Summit Point Golf & Country Club sa Lipa City, na madalas gamiting location sa shooting ng mga pelikula at taping ng mga television series.
Makikita sa Facebook page ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang mga larawang kasama niya ang cast ng Ang Probinsyano, na patunay na nagaganap sa Lipa City ang taping ng programa.
Ngayong gabi, ipinakilala si Richard Gutierrez bilang bagong cast member ng action drama series ni Coco sa Martin sa Kapamilya Channel.
Ginagampanan ni Richard ang karakter ni Lito Valmario, ang childhood sweetheart ni Alyana (Yassi Pressman).
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika