Napapadalas na ang guesting ng mga artista ng ABS-CBN sa GMA-7, partikular na sa noontime show na Eat Bulaga.
Sila ay nagiging celebrity players sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga.
Nauna nang lumabas si Pokwang sa popular game segment ng Eat Bulaga noong June 20.
Sinundan ni Meg Imperial noong June 24, at ni Louise delos Reyes noong July 8.
Ngayon Biyernes, July 10, si Kim Molina ang celebrity judge sa "Bawal Judgmental."
Bakas sa mukha ni Kim ang excitement sa unang beses na guesting niya sa Eat Bulaga.
Ikinagulat ito ng televiewers dahil nasanay na silang napapanood sa mga programa ng ABS-CBN ang breakout star ng #Jowable.
Hindi station-produced ang Eat Bulaga! dahil ang producer nito ay ang TAPE Inc., na longstanding blocktimer sa GMA-7.
Nang tanungin ni Vic Sotto si Kim kung magaling itong kumilatis ng tao, mabilis na nagprotesta si Jose Manalo.
Sabi ni Jose, "Hindi Bossing! Hindi! Paano gagaling kumilatis ‘yan, si Jerald ang dyowa? Tingnan mo nga ang mukha nun!"
Hirit naman ni Bossing Vic, "Wow, coming from you!"
Ang comedian-singer na si Jerald Napoles ang boyfriend ni Kim, at dati silang magkasama ni Jose sa defunct Sunday noontime show na Sunday PinaSaya.
Nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine noong March 15, hindi inilihim nina Jerald at Kim na magkasama sila sa isang bahay.
Sinimulan din nila ang kanilang KimJe Youtube Channel para may pagkaabalahan.
Kapwa mahusay kumanta sina Jerald at Kim, at mga talented talaga, kaya gustung-gusto ng netizens ang mga collaboration nila sa kanilang Youtube Channel.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika