Paolo Contis trending sa Twitter dahil sa 2018 movie Through Night and Day

by Jojo Gabinete
Jul 12, 2020
Nagulat si Paolo Contis na trending siya ngayon sa Twitter dahil sa 2018 movie nila ni Alessandra Rossi na Through Night and Day.
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram

Lalong gumanda ang gising ni Paolo Contis ngayong umaga dahil bumulaga sa kanya na trending ang pangalan niya sa Twitter.

Number 4 sa Top 10 in the Philippines Today ng Netflix ang Through Night and Day na pelikula nila ni Alessandra de Rossi.

Toast of the town ang Through Night and Day dahil ngayon lamang natuklasan ng mga Pilipino ang kagandahan ng pelikula na ipinalabas sa mga sinehan noong November 14, 2018.

Hindi ito tinangkilik ng manonood noon, pero humahataw ito ngayon sa Netflix.

"Kakatuwa lang na-appreciate nila. Sayang, sana napanood nila sa sinehan para kumita!” ang reaksiyon ni Paolo nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong umaga, July 12.

Overwhelming dahil nakakataba ng puso ang mga papuri sa performance nina Paolo at Alessandra sa pelikula.

"Ngayon ko lang na-appreciate ang kaguwapuhan ni Paolo...Paolo showed how versatile he can be, comedy, drama, bida, contravida...Pengeng Paolo Contis na lalaki,” ang ilan sa mga komento tungkol sa pagganap ni Paolo sa pelikula na dahilan kaya trending siya ngayon sa Twitter.

Continue reading below ↓

Mahirap mabura sa isip ng mga nakapanood ang huling tatlumpong minuto ng pelikula dahil sa effortless acting nina Paolo at Alessandra.

HOT STORIES

Out of curiosity, itinanong namin kay Paolo kung ilang beses na kinunan ang pinag-uusapan na reconciliation scene at song number nila ni Alessandra na nagmarka nang husto sa Netflix viewers.

"Yung song number, total of three takes, I think. Yung pag-uusap namin, one take na two shots and one take each sa close-up,” ang sabi ni Paolo.

May trivia pa ito tungkol sa "I Will Be Here," ang 1989 hit gospel song ni Steve Curtis Chapman, na ginamit na soundtrack sa Through Night and Day.

Aniya, "Originally, 'Tears In Heaven' ang song, pero hindi pumayag si Eric Clapton na gamitin namin ang kanta niya.

"Memorized na namin ni Alex ang 'Tears In Heaven.' Two days before the shoot of the scene, sinabi sa amin na 'I Will Be Here' na lang ang aming kakantahin."

Continue reading below ↓

Ang "Tears In Heaven" ay tribute song ni Clapton sa kanyang four-year-old son na si Conor na namatay sa isang freak accident noong March 1991.

Nahulog si Conor mula sa 53rd floor ng Galleria Condominiums sa New York, at ang "Tears In Heaven" na may malungkot na melody at haunting lyrics ang bunga ng labis na pagdadalamhati ni Eric sa pagkawala ng anak.

Postscript. Masaya si Paolo dahil dalawa sa mga pelikulang pinagbibidahan niya ang kasama ngayon sa listahan ng Top 10 movies ng Netflix Philippines: Through Night and Day at Ang Pangarap Kong Holdap.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagulat si Paolo Contis na trending siya ngayon sa Twitter dahil sa 2018 movie nila ni Alessandra Rossi na Through Night and Day.
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results