Sa pamamagitan ng Facebook post, kinumpirma ni DPWH Secretary Mark Villar na positibo siya sa COVID-19.
Inanunsiyo niya ito isang araw matapos siyang hirangin bilang Isolation or Pandemic Czar ng Duterte government.
Bilang Isolation Czar, responsibilidad ni Villar na pangasiwaan ang pagpapatayo ng quarantine facilities sa buong bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Pahayag ni Villar, "I regret to announce that today, July 15, I received my test result and its positive for COVID-19."
Hindi na siya nagbigay ng ibang detalye tungkol sa kanyang karamdaman.
Samantala, nagpositibo rin sa coronavirus ang isang news anchor pero hindi pa nito isinasapubliko ang kalagayan niya.
Ang nangyari sa news anchor ang dahilan kaya lalong pinaigting ang paghihigpit sa pagpapapasok ng mga tao sa TV network na kanyang pinaglilingkuran bilang proteksiyon sa mga empleyado at sa mga news reporter.
Itinuturing silang frontliners dahil araw-araw silang nakikihalubilo sa iba’t ibang mga personalidad para makapaghatid sa publiko ng balita.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika