JC de Vera, aminadong tinanggap ang Escape From Mamasapano dahil sa mga bayarin

by Jojo Gabinete
Jul 24, 2020
JC de Vera: "Simula talagang mag-work kasi, if not, magiging stagnant talaga yung buhay. Paano yung monthly amortizations?"
PHOTO/S: Instagram

Nagpakatotoo si JC de Vera nang sabihin nito kung bakit niya tinanggap ang alok ng Borracho Films na magbida sa Escape From Mamasapano.

Bukod sa pag-arte na kanyang nami-miss, kailangan na raw niyang magtrabaho para sa mga bayarin, tulad ng kuryente at montly amortization, na mga regular na problema rin ng karaniwang Pilipino.

Hindi nahiya ang aktor na aminin na marami siyang bayarin kaya nito tinanggap ang unang movie project ng Borracho Films, ang film outfit ni Atty. Ferdinand Topacio.

Continue reading below ↓

“Siguro malaking factor yung nagwo-worry na rin yung pamilya ko sa anong ibabayad sa kuryente, sa tubig, sa mga monthly amortization.

"Siyempre kaming mga artista rin, kahit papaano, marami kaming sinusubukan na i-invest para sa future namin.

"It just so happens na dumating itong pandemic and sumabay pa yung pag-close ng ABS-CBN, so nagpatung-patong talaga.

"Kailangan lang harapin yung fear, kailangan lang talaga harapin na kayang talunin itong COVID-19. Kailangan mag-move forward din.

"Simula talagang mag-work, kasi if not, magiging stagnant talaga yung buhay. Paano yung monthly amortizations?" pahayag ni JC, na malaki ang pagpapahalaga sa kanyang mga responsibilidad bilang asawa at ama.

ESCAPE FROM MAMASAPANO SHOOTING

Uumpisahan sa Agosto ang shooting ng Escape From Mamasapano sa Batangas at Cavite, kaya matagal mawawalay si JC sa kanyang fiancée na si Rikkah Cruz at ang kanilang two-year-old daughter.

Continue reading below ↓

"Maraming paalaman sa pamilya bago gawin pero nami-miss talaga namin na magtrabaho ngayon, so hindi talaga kami nagdalawang-isip na gawin itong project,” sabi ni JC.

Ang Escape From Mamasapano ay hango sa mga tunay na pangyayari noong January 2015. Kasamang bida rito ni JC (kaliwa) si Aljur Abrenica (kanan).


Nagbigay ng assurance si Atty. Topacio na walang dapat ipag-alala si JC, ang ibang mga artista, at ang production staff ng pelikula dahil titiyakin nilang ligtas ang lahat laban sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Sabi ni Atty. Topacio, "Insured ang lahat ng mga artista. Hindi namin pababayaan ang mga artista at production crew. Susundin namin ang health protocols.

"Yung isang location is part of a resort na may fourteen cottages at swimming pool. May open air, hindi sila kulob.

"Ipapasok ang pagkain galing sa safe na source. Walang problema.

"May kinuha kaming security agency to secure the perimeter. No one can get in or out."

Bukod kina JC at Aljur, kasama rin sa Escape From Mamapsapano sina Edu Manzano, Ritz Azul, Tonton Gutierrez, Congressman Mikey Arroyo, at Claudine Barretto.

Si Lawrence Fajardo ang direktor ng drama-action movie na mula sa panulat ni Eric Ramos.

Sa mga hindi nakakaalala, si Atty. Topacio ay siyang naging abugado ni Claudine sa court cases nito laban sa estranged husband na si Raymart Santiago.

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JC de Vera: "Simula talagang mag-work kasi, if not, magiging stagnant talaga yung buhay. Paano yung monthly amortizations?"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results