Steve Dailisan, nagpasalamat sa airline na tumupad ng kanyang pangarap maging piloto

by Jojo Gabinete
Jul 25, 2020
Steve Dailisan: "Sobrang grateful po ako sa Cebu Pacific. They helped me realize my dream. I know it was also difficult for them to let go hundreds of pilots and cabin crew, but it has to be done to ensure the survival of the company."
PHOTO/S: Twitter

Kinumpirma ng former GMA News reporter na si Steve Dailisan na tuluyan na siyang natanggal sa kanyang trabaho bilang piloto ng Cebu Pacific.

Unang nakausap ng Cabinet Files si Steve noong July 2 para tanungin tungkol sa kanyang pagtitinda ng "laman," o online meat-selling business na binuksan niya, para may pagkaabalahan at pagkakitaan habang laganap pa ang coronavirus pandemic.

Katatapos lamang noon ng video conference na sinalihan niya, at dito inanunsiyo na kasama siya sa mga empleyado ng CebuPac na nawalan ng trabaho.

Hindi muna ipinasulat ni Steve ang nangyari dahil kailangang kausapin pa niya ang mga magulang na baka mabigla dahil hindi pa alam na jobless na siya.

Ngunit ngayong araw, July 25, sinabi ni Steve sa amin na hanggang Agosto na lang siya sa CebuPac.

Masakit man ang nangyari, tumatanaw pa rin si Steve ng malaking utang na loob sa airline company na nagtiwala sa kakayahan niya bilang baguhang piloto.

Continue reading below ↓

"Sobrang grateful po ako sa Cebu Pacific. They helped me realize my dream.

"I know it was also difficult for them to let go hundreds of pilots and cabin crew, but it has to be done to ensure the survival of the company.

"Last in First out, performance, and seniority po ang isa sa naging basis nila. Unfortunately, isa po ako sa mga pinakabago sa CebuPac,” sabi ni Steve sa panayam namin.

Handa raw siyang bumalik sa news reporting, pero hindi pa dumarating ang oportunidad na kanyang hinihintay kaya nakatuon ang atensiyon niya sa meat business na may pangalang Tasteeeve.

Sabi ni Steve, "Tuluy-tuloy naman po ang Tasteeeve. Nag-apply na po ako sa ibang airline.

"Hopefully maging positive po ang application. Malalaman ko rin po this week. Sana they get to hire me.

"For transparency, gumawa rin po ako ng video for my subscribers.

"Aware naman po ako na marami ang nawalan ng trabaho ngayon, and if I can inspire them to move forward and bumangon ulit, malaking tulong na rin po iyon para sa sarili ko."

Patuloy niya, "I’ve been helping online business sellers by way of endorsing their products for free para po makatulong pa rin sa iba.

"This is my only way of reaching out to people who, like me, are still determined to win this war.

"Mahaba-haba pa po kasi tatakbuhin nito, e. So, ayun, i-encourage ko silang maghanap ng trabaho ulit, discover a new skill and be more productive.

Continue reading below ↓

"Mahirap po itong gawin but we all need to start somewhere,” ang hindi nawawalan ng pag-asang sabi ni Steve.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Steve Dailisan: "Sobrang grateful po ako sa Cebu Pacific. They helped me realize my dream. I know it was also difficult for them to let go hundreds of pilots and cabin crew, but it has to be done to ensure the survival of the company."
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results