PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Radio Veritas host Fr. Larry Faraon, pumanaw sa edad na 64

Si Fr. Larry Faraon ang host ng radio program na Healing Touch.
by Jojo Gabinete
Published Jul 26, 2020
Binawian ng buhay si Fr. Larry Faraon ngayong Linggo ng umaga, July 26, sa edad na 64. Si Father Larry ay malapit sa mga taga-entertainment industry dahil siya ay chaplain at board member ng MOWELFUND.
PHOTO/S: Facebook

Nakikiisa ang local movie industry sa pagluluksa sa pagpanaw ng healing priest na si Fr. Larry Faraon.

Sumakabilang-buhay si Fr. Larry dahil sa pneumonia ngayong Linggo, July 26.

Siya ay 64 taong gulang.

Naglingkod si Fr. Larry bilang radio commentator at manager ng Catholic radio station na Radio Veritas, at ang pamunuan nito ang nagkumpirma ng kanyang pagpanaw sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag.

"Rest in Peace, Rev. Fr. Larry Faraon.

"Namaalam na ang Radio Veritas anchor at dating station manager nitong ika-26 ng Hulyo sa ganap na alas-3:06 ng umaga dahil sa Pneumonia.

"Kilala bilang Fr. Larry Faraon, si Laureano Balverde Faraon ay ipinanganak noong ika-4 ng Hulyo taong 1956 sa San Antonio, Biñan, Laguna.

"Naging radio commentator at manager ng Radio Veritas noong dekada 80.

"Si Fr. Faraon ay huling narinig sa Veritas846 sa programang Healing Touch sa Veritas at sa mga Misa sa Veritas.

"Ipinapanalangin namin ang kaligtasan ng iyong kaluluwa, Fr. Larry."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malapit si Fr. Larry sa puso ng mga artista at sa mga bumubuo ng entertainment industry.

Siya ay chaplain at board member ng Movie Workers Welfare Foundation (MOWELFUND), kaya siya ang madalas iniimbitahan para magdaos ng misa sa mga mahahalagang showbiz events

Taon-taon din siyang nagmimisa sa harap ng puntod ni Fernando Poe Jr. sa Manila North Cemetery kapag ginugunita ang anibersaryo ng kamatayan ng King of Philippine Movies tuwing December 14.

Ang pagiging isang hurado sa 45th Metro Manila Film Festival noong December 2019 ang isa sa mga naging huling tungkulin ni Fr. Larry.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binawian ng buhay si Fr. Larry Faraon ngayong Linggo ng umaga, July 26, sa edad na 64. Si Father Larry ay malapit sa mga taga-entertainment industry dahil siya ay chaplain at board member ng MOWELFUND.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results