Ex-Congressman Albee Benitez, gusto maging blocktimer sa TV5; show ni Kris Aquino, tuloy na?

by Jojo Gabinete
Jul 29, 2020
Nakikipagnegosasyon si dating Congressman Albee Benitez (kaliwa) sa TV5 para mag-prodyus ng mga programa sa Kapatid network bilang blocktimer. Samantala, tila matutuloy na rin sa wakas ang pag-ere sa TV5 ng talk show ni Kris Aquino (kanan).
PHOTO/S: Facebook

Nagaganap pa ang negosasyon sa pagitan ni former Negros Occidental Representative Albee Benitez at ng management ng TV5.

Kaya hindi pa opisyal ang lumabas na ad na may larawan ng businessman-politician at ni TV5 Chairman Manny V. Pangilinan (MVP).

Caption nito: "Our doors are open for ABS-CBN employees who lost their jobs as a result of the non-renewal of their network’s franchise.

"We would be happy to offer a helping hand to our comrades in the industry.

"Sino-sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo ring magkakapatid at magkakapamilya sa industriya?"


Continue reading below ↓

Nangangarap si Benitez na mag-produce ng shows para sa TV5, pero nag-uusap pa sila ng Kapatid Network management.

Gusto ni Benitez maging blocktimer program producer, tulad ni Tony Tuviera ng APT Entertainment.

Si Mr. Tuviera ang producer ng mga upcoming game shows ng TV5 na Fill In The Blank, Bawal Na Game Show, at ang morning talk show na Rise and Shine.

Ibabalik naman ng TV5 ang Bangon Talentadong Pinoy.

Itutuloy na rin ng network ang airing ng Love Life With Kris, ang talk show ni Kris Aquino na napabalita noong nakansela dahil isa siyang “business risk.”

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa plano, sa August 22 ang pilot telecast ng TV comeback ni Kris.

Kasama ito sa unang wave ng mga bagong shows ng TV5 sa darating na buwan.

Continue reading below ↓

Sa pagkawala ng ABS-CBN, may mga umaasa at naniniwalang magiging aktibo muli ang TV5, at muling babalik ang glory days ng network noong si Perci Intalan pa ang creative at entertainment head.

Si Perci ang responsable sa mga top-rating programs noon ng TV5, gaya ng Face To Face, Babaeng Hampaslupa, Talentadong Pinoy, at Willing Willie.

Currently, si Perci ang consultant for programming ng Kapatid Network, na inaasahang makapagbibigay ng oportunidad sa mga taong nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic at sa pagpapasara ng gobyerno sa ABS-CBN.

May impormasyon ding natanggap ang Cabinet Files na nakikipag-usap na si MVP sa ilang key officials ng ABS-CBN para sa pagbabalik ng entertainment content ng TV5.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakikipagnegosasyon si dating Congressman Albee Benitez (kaliwa) sa TV5 para mag-prodyus ng mga programa sa Kapatid network bilang blocktimer. Samantala, tila matutuloy na rin sa wakas ang pag-ere sa TV5 ng talk show ni Kris Aquino (kanan).
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results