Cynthia Villar, klinaro ang statement; hindi raw medical frontliners ang pinatatamaan

by Jojo Gabinete
Aug 2, 2020
Pinutakte ng batikos, binigyang-linaw ni Senator Cynthia Villar ang kanyang naging statement kahapon, August 1, 2020, tungkol sa mga medical frontliners. Tutol ang senadora sa pagbalik ng Kamaynilaan sa mas mahigpit na ECQ.
PHOTO/S: Cynthia Villar on Twitter

Hindi raw ganoon ang gustong sabihin ni Senator Cynthia Villar sa ating mga duktor, nars, medical technicians, at iba pang health frontliners.

Hindi raw niya sinasabing magtrabaho lang sila nang mahusay para tuluy-tuloy lang ang daloy ng buhay sa Kamaynilaan.

Ngayong umaga, August 2, 2020, itinuwid ni Senator Villar ang kanyang kontrobersiyal na sagot sa panawagan ng medical societies ng bansa na isailalim muli ang Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) kahit mula Agosto 1 - Agosto 15 lamang.

Ang posisyon ng senadora ay kontra sa posisyon ng medical societies. Ayaw ng senadorang ibalik ang ECQ. Dapat daw manatili ang kaayusan—ang General Community Quarantine (GCQ), kung saan malayang nakakabiyahe ang mga tao sa kani-kanilang trabaho—para hindi mamatay ang ekonomiya.

Sinasabi naman ng medical frontliners na humihingi lang sila ng "time out" nang kahit dalawang linggo, para hindi madagdagan ang mga pasyenteng inaalagaan nila sa ospital at mabigyan ng panahong makapagplano nang mahusay ang gobyerno.

Bumibigay na raw ang katawan nila at nalalagasan ang hanay nila dahil sa COVID-19.

Kagabi, August 1, nag-trending ang senadora sa dami ng batikos na natanggap dahil sa naunang pahayag.

Continue reading below ↓

Ang sabi ng Nacionalista Party senator sa panayam ng DWIZ noong August 1 din: "Hindi na siguro. Pagbutihin nila trabaho nila. Hindi puwedeng isara ang ekonomiya kasi, kung di naman mamamatay sa COVID, mamamatay naman sa gutom ang tao."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nitong Linggo ng umaga, August 2, nagbigay ng statement ang senadora na mali raw ang pagkakaintindi sa kanya. Hindi raw para sa medical frontliners ang mga salitang binitiwan niya kundi para sa government leaders na kagaya niya.

Sa official statement ng senadora na natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, iginiit nitong ang gusto niyang sabihin ay: "Government leaders need to work harder to minimize the impact of the COVID-19 pandemic to the economy, the health sector, and the people.

“We have to work harder and better.

"But I am not referring in particular to the medical workers—our frontliners.

"We are referring to all of us and DOH and Philhealth in particular. There is so much room for improvement in the government’s response to curb the transmission of the disease."

Continue reading below ↓

Ang common sentiment ng public sa naunang pahayag ni Villar ay napaka-insensitive nito. May duktor nang nag-offer na ilibot siya sa COVID-19 wards para malaman ang hirap ng trabaho.

Sabi nga sa open letter ng nagsanib na puwersa ng 80 medical societies, "overwhelmed" na ang "healthcare system" ng bansa.

Ang open letter ay addressed kina Pangulong Rodrigo Duterte, sa COVID-19 Chief Implementor Carlito Galvez Jr, at Health Secretary Francisco Duque III.

Tila naghahabol ngayon ang communications team ng senadora. Sa inilabas na statement ni Senator Villar, sinabi nitong lubhang mahalaga ang parte ng mga medical frontliners sa laban ng bansa sa coronavirus.

Aniya, “Alam ko po ang sakripisyong ginagawa ng ating mga health frontliners. Buhay nila ang nakataya sa ginagawa nilang pag-aalaga sa ating mga kababayan na nagkaroon ng COVID-19."

Binanggit din nito ang pagkakapasa ng Bayanihan 2, ang virus response at recovery plan ng bansa, na maga-allocate ng standby fund na PHP140 billion.

Continue reading below ↓

Saad ni Senator Villar, “We in Congress have just passed the Bayanihan package 2, after intense debates, to provide health and financial support to the people.

"The government’s economic team will have to work harder to raise the money to fund the package; the Task Force and the LGUs will have to work harder in trying to trace and manage movements of people and businesses to prevent more infections, and at the same time, be mindful of the people’s desire to earn a living.”

Sa huli, nanawagan si Villar sa publiko na sundin ang health protocols na ipinatutupad ng mga eksperto sa kalusugan para maging ligtas sa coronavirus.

“We all want to be safe and COVID-free. All of us are doing a difficult balancing act to keep people safe and alive.

"We all need to keep our jobs, the economy, to do our respective roles to sustain this. All of us have to work harder and better.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinutakte ng batikos, binigyang-linaw ni Senator Cynthia Villar ang kanyang naging statement kahapon, August 1, 2020, tungkol sa mga medical frontliners. Tutol ang senadora sa pagbalik ng Kamaynilaan sa mas mahigpit na ECQ.
PHOTO/S: Cynthia Villar on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results