Dear Uge, Bubble Gang, TBATS kanselado muna ang pagbabalik-taping

by Jojo Gabinete
Aug 3, 2020
Kabilang ang Dear Uge ni Eugene Domingo, Bubble Gang ni Michael V., at TBATS nina Boobay at Super Tekla sa naudlot na GMA-7 shows na kasado na sana ang pagbabalik-taping.
PHOTO/S: @eugenedomingo_official / @michaelbitoy Instagram / TBATS

Kinansela muna ang taping ng ilang programa ng GMA-7 dahil sa pagbabalik sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Kabilang sa mga programang ito ang I-Bilib (Chris Tiu & Moymoy Palaboy), Bubble Gang (Michael V.), at The Boobay and Tekla Show, (Super Tekla at Boobay), na kasado na sana ang taping ng mga ito ngayong Agosto.

Pero nagbago ang plano nang muling ideklara ni President Rodrigo Duterte ang MECQ, dahil sa pagdami ng mga kaso ng COVID-19 at bilang responde sa "time-out" na hiniling ng medical frontliners.

Magsisimula ang MECQ bukas, August 4, at magtatagal hanggang August 18.

Apektado rin ng pagbabalik ng MECQ ang taping ng Dear Uge, ang Sunday afternoon comedy anthology ni Eugene Domingo sa GMA-7.

Nakapag-taping na si Eugene ng fresh episode ng Dear Uge sa isang lugar sa New Manila, Quezon City, noong July 30; at special guests niya sina Candy Pangilinan, Neil Ryan Sese, at Lotlot de Leon.

Continue reading below ↓

Dahil sa ipatutupad na MECQ, naghihintay pa ng advice ang production staff ng Dear Uge kung kailan magre-resume ang kanilang trabaho.

Matagal nabakante si Eugene at ang production staff ng Dear Uge dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na idineklara noong March 15 hanggang May 31.

Mapalad pa rin ang grupo ng Dear Uge dahil nakapag-taping pa sila ng March 14, 2020 episode noon.

Samantala, pinairal na naman ng mga Pilipino ang panic buying nang malaman nila na ibabalik ang MECQ sa National Capital Region at sa mga karatig-probinsya.

Nasaksihan namin nitong Lunes umaga, August 3, ang mahabang pila ng mga tao sa mga supermarket, ATM machine, at sa mga bangko dahil nangibabaw ang takot ng iba na baka maubusan sila ng perang panggastos at mga imbak na pagkain sa kanilang bahay.

Nakalimutan yata nila na kahit nasa ilalim ng ECQ ang Metro Manila mula March hanggang May 2020, hindi nagsara ang mga bangko, supermarket, drugstore, at maging ang mga palengke kaya walang dahilan para mag-panic buying sila.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang Dear Uge ni Eugene Domingo, Bubble Gang ni Michael V., at TBATS nina Boobay at Super Tekla sa naudlot na GMA-7 shows na kasado na sana ang pagbabalik-taping.
PHOTO/S: @eugenedomingo_official / @michaelbitoy Instagram / TBATS
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results