Ilang cast members ng Ang Probinsyano, nag-aalala sa pagpopositibo ni Batangas Vice Governor Mark Leviste sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Aug 4, 2020
Inanunsiyo ni Batangas Vice Governor Mark Leviste (kanan) na nagpositibo siya sa COVID-19 matapos sumailalim sa swab test. Nagkaroon ng cameo role si Leviste, bilang assistant ni Richard Gutierrez (kaliwa), sa primetime series na Ang Probinsyano.
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel

Positive sa COVID-19 si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Dahil dito, nag-aalala ang ilang artista ng Ang Probinsyano na nakasalamuha niya sa matagal na taping ng primetime series ng Kapamilya Channel sa Leviste Equestrian Park sa Lipa City.

Mainit ang pagtanggap at personal na inasikaso ni Leviste ang mga artista at production crew ng Ang Probinsyano nang dumating ang mga ito sa Lipa City.

Bilang kapalit, binigyan si Leviste ng cameo role with dialogues sa Ang Probinsyano, kaya natatandaan ng mga manonood ang eksena nila ni Richard Gutierrez.

Continue reading below ↓

Natapos ang taping ng Ang Probinsyano sa Lipa noong ikalawang linggo ng Hulyo, kaya may mga nag-iisip na baka COVID-19 positive na noon si Leviste, na isang asymptomatic.

Sa video na in-upload niya sa Facebook noong Sabado, August 2, inanunsiyo ni Leviste ang resulta ng kanyang swab test. Idinetalye rin niya kung bakit kinailangan niyang sumailalim sa eksaminasyon.

Lahad ng vice governor, "Noong Martes, July 28 or four days ago, one of my two household helps informed me that she was experiencing a headache and cough while my other helper said she had mild colds.

"Then and there, I decided to call the provincial health office and I was advised to submit them for swabbing immediately.

"And since we all live under one roof, I was told to go undergo a swab test too.

"Pagkatapos kaming suriin, bumalik na kami agad sa bahay at mula noon, nanatili na kami dine upang mag-self quarantine hangga’t hindi pa po lumalabas ang aming mga resulta.

Continue reading below ↓

"As a matter of fact, both our household helps isolated themselves in their quarters.

"Sa awa ng Diyos, negative po ang mga resulta ng dalawang kasambahay namin Subalit ayon sa PHO, sasailalim sila sa re-swabbing upang hindi tiyakin ang kanilang kalagayan o estado.

"Samantala, nagpa-swab test na rin po ang aking tatlong anak at hinihintay na lang namin ang kanilang mga resulta.

"Noon pa man at magpahanggang ngayon, wala po akong nararamdaman na sintomas ng COVID-19 o anumang sakit. Fortunately, I don’t have comorbidities."

Patuloy niya, "I would like to assure everyone that I can manage this and with your support, I am sure, I will successfully recover.

"Now that results are out, I will strictly isolate myself from everyone at home by staying in my bedroom until I get a medical clearance.

"I was advised to rest and strengthen my immune system by eating fruits, drinking lots of water and taking my vitamins."

Continue reading below ↓

Ibinilin din ni Leviste na huwag magdalawang-isip makipag-ugnayan sa kanya ang mga taong nakahalubilo sa kanya.

"Meanwhile, the Provincial Health Office will conduct proper tracing to those whom I may have had close contact with.

"Sa mga nakasalamuha ko nitong mga nagdaang araw, huwag po kayong mag-atubiling makipag-ugnayan sa akin.

"At this juncture, my earnest request is for your prayers, cooperation and calmness. I will keep everyone updated through my social media accounts.”

Continue reading below ↓

Mula nang umalis sa Lipa ang cast at crew ng Ang Probinsyano noong ikalawang linggo ng July, hindi pa nauulit ang taping nila.

May planong i-resume ngayong Agosto ang taping ng primetime series ni Coco Martin.

Pero malabo pang matuloy ito dahil sa muling pagdedeklara ng Modified Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region at sa ilang mga karatig-probinsiya nito.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inanunsiyo ni Batangas Vice Governor Mark Leviste (kanan) na nagpositibo siya sa COVID-19 matapos sumailalim sa swab test. Nagkaroon ng cameo role si Leviste, bilang assistant ni Richard Gutierrez (kaliwa), sa primetime series na Ang Probinsyano.
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results