Mahigit dalawang linggo nang nananatili sa loob ng kanyang kuwarto ang sexy comedienne na si Maureen Larrazabal.
Ito ay dahil nagkaroon siya ng COVID-19 scare.
Naranasan ni Maureen na lagnatin, mawalan ng pang-amoy at panlasa kaya nag-self-quarantine siya para hindi mahawa sa kanya ang mga kasamahan niya sa bahay.
Uminom din siya ng lahat ng klase ng vitamins para lumakas ang resistensiya niya.
Ginawa niya ang dalawang beses sa isang araw na suob dahil ito ang payo ng mga tao na kanyang tinanong.
"Suob, 'yon yung nagpapakulo ng tubig tapos nilalagyan ng asin, tapos papasok ka sa kumot, tapos inhale mo for about seven minutes," paglalarawan ni Maureen sa kanyang video update para sa FB followers niya.
Dagdag niya, "I also have my oxygen tank on standby, just in case I have difficulty in breathing."
Idinetalye rin ng Pepito Manaloto mainstay ang mga naramdaman niyang sintomas ng mga nagkaka-COVID-19.
"Yung fever ko was 37.6, so I took paracetamol, but the fever lasted for about three hours lang.
"When I think about it now, I guess kaya lang nilagnat ako, napuwersa yata ang katawan ko [sa yoga]... I’m not really sure.
"Then, I started feeling this cluster na headache, na yun ang nagbalda sa akin for two to three days.
"Pero siya yung tipo ng headache na gusto mong iuntog yung ulo mo, kasi it’s so bad.
"Na when you wake up, you have your headache. When you wake up, you’d rather sleep again after waking up.
"Kasi that’s the only time you don’t feel the pain, when you’re sleeping."
Sa ika-siyam na araw ng kanyang self-quarantine, himalang nagising si Maureen na wala na ang pananakit ng ulo niya at dahan-dahang bumalik ang kanyang pang-amoy.
HUWAG TULARAN
Pero may mahigpit na bilin si Maureen sa mga nanonood ng kanyang vlog: huwag tularan ang mga ginawa niya dahil mahalaga pa ring kumonsulta sa mga doktor.
Saad niya, "People are asking me to go to the doctor and have myself checked and all, which is the right thing to do, if you’re feeling something odd or something different.
"But then, may trauma kasi ako sa doctor because of what happened to my eye before.
"I went there because of a slit in my cornea, and I left with a bacteria inside already.
"That’s something I want to avoid that’s why I didn’t go to the doctor."
Diin ni Maureen, "I don’t advise you to do the things I did.
"If you’re feeling unwell, go to the doctor, have yourself checked.
"The only reason why I self... well, not really medicated. I did not take naman any medicine, I just took a lot of vitamins and alkaline na rich na food, like lemon. Then I munched on garlic, raw, every meal, mga dalawa na ang sakit sa dila.
"I don’t advise you not to go to the doctor or self-medicate.
"If you feel something’s wrong, if you feel unwell or whatsoever, go straight to the doctor, or ask a professional who knows what they’re doing and have yourself check."
Masuwerte raw si Maureen na wala siyang anumang naramdaman, pero nag-self-isolate pa rin siya sa bahay.
"Kasi I don’t want them to touch anything that I have [touched], any virus."
Balak ni Maureen na palawigin pa ng isang linggo ang kanyang self-quarantine para matiyak na magaling na magaling na siya.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika