PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nawawalang dating sexy star, minumura ang isang aktor at isang pulitiko kapag "tinotoyo"

Dahil sa droga, nagkaroon ng problema sa pag-iisip si Brandy Ayala.
by Jojo Gabinete
Published Aug 8, 2020
Kilala bilang Brandy Ayala (kaliwa) nung 1980s, nawala sa katinuan ng isip si Remedios M. Estrada (kanan) dahil sa paggamit ng droga nung nasa showbiz pa ito. Ngayon ay hinahanap siya ng kanyang pamangkin dahil limang buwan na itong nawawala.

Nag-aalala ang pamilya ng dating sexy star na si Brandy Ayala.

Siya ay si Remedios Estrada sa tunay na buhay.

Brandy Ayala

Limang buwan na kasi itong nawawala, mula pa nung ideklara ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila noong March 16, 2020.

Ang pamangkin ni Brandy, ang 30-year-old na si Ralph Estrada, ang nakausap ng Cabinet Files ngayong Sabado, August 8, tungkol sa paghahanap nila sa kanyang tita na magdiriwang ng 55th birthday sa September 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May katwiran na mabahala ang mga kamag-anak ni Brandy.

Wala na kasi sa katinuan ang isip ni Brandy dahil sa epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot noong aktibo pa siya sa showbiz.

Nakadagdag din sa malalang mental health problem ni Brandy ang pagkakaroon ng schizophrenia kaya naging palaboy siya sa lansangan, nanghihingi na lamang ng pera at pagkain mula sa mga taong kanyang nakakasalamuha.

“Bago po nag-lockdown, nawawala na siya. Kapag may pera po kasi ako, binibilhan ko siya ng pagkain, iniiwanan ko siya ng pagkain sa pintuan namin.

“Napansin ko lang na nawawala siya, dahil pagkalipas ng dalawang araw, hindi pa rin niya nagagalaw ang pagkain na iniwan ko.

"Hinanap po namin siya, hindi na po namin makita,” ang sabi ni Ralph sa Cabinet Files.

“Noong nakaraan po, may nakapagsabi sa amin, nasa Balut, Tundo siya, may nagsasabi rin na nakita siya sa Las Piñas.

“Dati po kasi kapag umaalis siya ng bahay, bumabalik siya agad. Dati po, nawala na siya ng dalawang buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May nakapagsabi sa amin na nasa Muntinlupa si Tita. Noong pinuntahan namin siya sa Muntinlupa, wala na pero pagbalik namin sa bahay [sa Pritil, Tundo], nandoon na po siya.

“Lakad lang po siya nang lakad. Baka po mamaya, nalipasan na siya ng gutom. Nakalimutan na niya ang pabalik sa bahay namin, o kaya, baka nakalimutan niya na may pamilya siya dito,” ang pahayag ni Ralph na bakas sa tono ng boses ang labis na pag-aalala.

“Ito na po yung matagal na nawawala siya, limang buwan. Dati, dalawang buwan lang.

“Nahihirapan na kaming hanapin siya. Mahirap kumilos dahil sa lockdown.

"Ang sabi ng barangay, ilagay sa Facebook, pero wala naman kaming picture niya. Hindi ko alam kung saan ako makakakuha ng picture ng tita ko.”

Nineteen years old si Brandy nang mag-umpisa ang kanyang showbiz career nung 1985 bilang sexy star.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isa siya sa "Liquor Beauties" na mga protégée ng pumanaw na talent manager na si Rey Dela Cruz.

Ang Bed Sins (1985), Nude City (1986), Mababangis na Bulaklak (1986), at ang Bong Revilla, Jr. starrer na Bodyguard (1986) ang tatlo sa walong pelikulang ginawa ni Brandy mula 1985 hanggang 1986.

Pero higit siyang nakilala sa paggawa ng "pene movies" o mga pelikulang may actual sex scenes, na dahilan para itakwil siya ng kanyang ama.

Noong July 2004, isinadula ng Maalaala Mo Kaya ang life story ni Brandy na may pamagat na Droga.

Ayon kay Ralph, tumanggap ng P20,000 ang lola niya, na ina ni Brandy, bilang kabayaran para sa story rights.

“Noong 2004 po, isinadula ng Maalaala Mo Kaya ang buhay ni Tita. Binayaran nila ng PHP20,000 ang Lola Teresita ko.

“Ginamit po ni Lola yung pera sa pagpapagamot sa tita ko. Ang ginagawa ng lola ko, pinaiinom niya si Tita ng Nozinan 500 kapag sinusumpong siya ng toyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa rxmed.com, ang Nozinan ay ginagamit bilang sedative o pampakalma sa mga taong may "psychotic disturbances: acute and chronic schizophrenias, senile psychoses, manic-depressive syndromes."

“Hinahati ni Lola sa kalahati ang gamot kasi po pampatulog yun. Kapag nakatulog at nagising na si Tita, okey na po siya.

“Si Tita, kapag sinusumpong, bigla siyang nagdadabog. Noong minsan, mabaho siya. Pinaliguan ko siya. Nagwala, talagang walang nakapigil sa kanya.

“Minsan, umuuwi siya, may black eye pero hindi naman niya sinasabi kung bakit. Minsan, marami talaga ang mga tao na salbahe.”

Sumakabilang-buhay noong July 2018 ang ina ni Brandy at malaki ang epekto nito sa dating sexy star.

Nawala na kasi ang taong tunay na nagmahal, nagmalasakit, at nag-alaga sa kanya.

Mula nang mamatay ang nanay niya, lalong hindi napirmi sa bahay at naging pagala-gala si Brandy.

“Minsan po, nakakausap siya nang matino kasi kilala po niya ako. Kilala po rin niya ang tatay ko,” pagpapatuloy ng kuwento ni Ralph tungkol sa malungkot na buhay ni Brandy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na nagkaroon ng asawa o sariling pamilya ang dating sexy star.

“Gumamit po noon ng drugs si Tita. Namatay po ang lolo ko na hindi sila nagkabati kasi itinakwil siya dahil nag-artista.

"May kaya po sila noon. Maganda pa ang buhay nila noon.

“1997 nang magkaroon ng 'toyo' si Tita. Bigla-bigla siyang nagagalit. Ang sabi po sa akin, nasira ang ulo niya nang makipagrelasyon kay [pangalan ng isang aktor].

“Ang tita ko po, kapag tinotoyo, ang binabanggit niya na pangalan, si [pangalan ng aktor] at si [pangalan ng isang sikat na pulitiko].

“Yung dalawa ang lagi niyang binabanggit.

"Isinisigaw niya ang pangalan ng aktor, 'Tangin..o… manyakis!’ at yung pangalan ng pulitiko, ‘Tang....o, manyakis ka rin! Mga manyakis kayo!’

“Kahit ano po ang mangyari, yung dalawa ang palaging binabanggit niya,” ani Ralph tungkol sa mga kilalang personalidad, na tila malaki ang kontribusyon sa pagkasira ng buhay ni Brandy.

Ang dalawa ang bukambibig ng dating sexy star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, ang makita si Brandy at matukoy ang kinaroroonan niya ang priority ni Ralph kaya nakikiusap ito sa publikong tulungan siya.

Nakadagdag pa sa problema ni Ralph, wala siyang bagong litrato ni Brandy.

Tanging ang Barangay ID lamang nito ang hawak ni Ralph.


Gayunpaman, ipinagkatiwala pa rin niya sa PEP ang pag-publish ng ID ng kanyang tita, sa pagbabakasakaling makatulong ito para mamukhaan ang nawawalang dating sexy star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


“May ID picture po siya pero iba pa ang mukha niya. Medyo mataba pa siya sa Barangay ID niya.

"Ngayon po, parang lola na ang itsura niya. Payat na siya pero hindi sakitin.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kilala bilang Brandy Ayala (kaliwa) nung 1980s, nawala sa katinuan ng isip si Remedios M. Estrada (kanan) dahil sa paggamit ng droga nung nasa showbiz pa ito. Ngayon ay hinahanap siya ng kanyang pamangkin dahil limang buwan na itong nawawala.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results