PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mag-inang nagbabangayan, nagpakawala ng mura sa live telecast ng Idol In Action

"OMG" moment sa Idol In Action ni Raffy Tulfo.
by Jojo Gabinete
Published Aug 11, 2020
Sa live telecast ng TV5 program na Idol In Action ni Raffy Tulfo ngayong Martes, August 11, hindi inaasahang magmura at gumamit ng mga bulgar na salita ang inang nagreklamo.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Hindi sinasadyag nagkaroon ng "OMG moment" ang live broadcast ng Idol In Action, ang public service program ni Raffy Tulfo sa TV5, ngayong Martes ng umaga, August 11.

Ito ay dahil sa nag-aaway na mag-ina na dumulog sa kanya at kinausap niya sa video call.

Inireklamo ni Karen de Guzman ng paninirang-puri at pambubugbog ang nanay niyang si Carolina Liceralde ng Maybunga, Pasig City.

Ayon kay Karen, pinagtulungan siyang saktan ng kanyang ina at kapatid noong Linggo, August 10.

Mariing itinanggi ni Carolina ang paratang ni Karen dahil siya raw ang minura ng anak.

Sumbong ng nanay na si Carolina, "Sumusugod po siya dito sa Kawayan, nagsisigaw po siya Sir Raffy. Sabi niya, ‘P*t*ng*na ka! P*t*ng*na ka!’"

Mabilis na pinahinto ni Raffy sa pagsasalita si Carolina dahil sa pagmumura nito sa national television.

"Nay, nay… kapag nagmura po uli kayo, i-off air ko kayo, Nay,” babala ni Raffy kay Carolina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humingi naman agad ng paumanhin si Carolina sa mga salitang nabanggit niya sa telebisyon.

"Sorry po," apology ni Carolina.

Pero mas matindi ang mga sumunod na salitang pinakawalan ni Carolina: "Minura po niya ako. Sabi niya, ano, 'Matanda ka na. P*kp*k ka,' sabi niya, kulubot na daw ang p*k* ko."

Muli itong ikinawindang ni Raffy.

"Ooops, Naaay! Off mo na si Nanay, off mo na si Nanay. Direk, off si Nanay. Off niyo ang audio ni Nanay," maagap na paalaala ni Raffy sa direktor ng kanyang programa.

Sa huli, nagtagumpay si Raffy na pagkasunduin ang nagbabangayang mag-ina na humingi ng paumanhin sa isa’t isa.

Ang napanood naming live episode ng Idol In Action ang nagpaalaala sa amin sa Face To Face, ang dating top-rating talk show ni Amy Perez.

Sumikat noon ang Face To Face dahil sa verbal, pisikal, at brutal na pag-aaway ng kanyang mga bisita na may hinaing laban sa isa’t isa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Parehong Parental Guidance ang classification ng MTRCB sa Face To Face at sa Idol In Action dahil sa maseselang isyu na tinatalakay nina Amy at Raffy.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa live telecast ng TV5 program na Idol In Action ni Raffy Tulfo ngayong Martes, August 11, hindi inaasahang magmura at gumamit ng mga bulgar na salita ang inang nagreklamo.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results