Anjo Yllana, inamin ang dahilan kung bakit umalis siya sa Eat Bulaga after 21 years

by Jojo Gabinete
Aug 13, 2020
Anjo Yllana on what he will miss about Eat Bulaga: “Yung barkada, kasi siyempre twenty-one years. More than school na ‘yan. Kung sa eskuwelahan nga, barkada kayo forever, nagkikita-kita pa rin kayo."
PHOTO/S: Facebook

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita si Anjo Yllana tungkol sa pag-alis niya sa Eat Bulaga! matapos nang dalawampu't-isang taon. Oo, 21 years.

May mga nabigla at nalungkot sa pasya ni Anjo na lisanin ang longest-running noontime show para lumipat sa Net25 bilang host ng Happy Time.

Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files kay Anjo sa telepono kagabi, August 12, inamin ng actor-TV host ang pangunahing dahilan nang pagpapaalam niya sa Eat Bulaga, na naging pamilya na niya.

Aniya, "For the past months, wala naman akong ginagawa dahil sa studio sila [ibang co-hosts], kami ni Jimmy Santos, sa barangay.

"Siyempre, nami-miss ko rin kasi yung pag-host na tunay."

Bago ipinatupad ang quarantine, sa mga barangay naka-assign sina Anjo at Jimmy para sa "Juan For All, All For Juan" segment ng noontime show.

Patuloy ni Anjo, "Siyempre, may mga anak ako, ano ang ipapakain ko sa kanila kung two years pa na walang COVID-19 vaccine? So, it’s more of my family."

Continue reading below ↓

Ibig sabihin, kung hindi siya lumalabas sa programa ay wala rin siyang sinusuweldo.

Gaano ka katagal nagdesisyon bago mo tinanggap noong nakaraang linggo ang alok ng Net25?

"Mga one day... kasi mahal na mahal ko yung Eat Bulaga,” sabi ni Anjo, na nakuha pang patawanin kami.

"Inisip ko, ano ba, kapag nag-Bulaga pa rin ako? Ano ang ipapakain ko sa mga anak ko kung may COVID-19 pa rin?

"Kasi nga, chosen lang yung mga nasa studio. Hindi naman kami puwedeng lahat doon. So, kapag tumagal pa ng two years ang COVID-19, wala akong trabaho.

"Nasa Eat Bulaga! ako, pero on standby kami hanggang magkaroon ng vaccine."

Tinanggap daw niya ang offer na lumipat sa Net25 at maging host ng Happy Time dahil, kahit may COVID-19, magla-live show sila.

"Bagong noontime show, so inisip ko yung mga anak ko."

EAT BULAGA DABARKADS

Ano ang mami-miss ni Anjo sa Eat Bulaga?

Sagot niya, “Yung barkada, kasi siyempre twenty-one years. More than [stay sa] school na ‘yan.

Continue reading below ↓

"Kung sa eskuwelahan nga, barkada kayo forever, nagkikita-kita pa rin kayo. Yun ang mga mami-miss ko sa Eat Bulaga."

Kuwento pa ni Anjo, "Kanina kausap ko si Pauleen [Luna], saka si Bossing [Vic Sotto]. Naintindihan naman nila ang desisyon ko.

"Sabi nila, sana raw dumalaw-dalaw pa rin ako sa kanila. Okey naman sila, I think naiintindihan naman nila yung situation.

"In fact, si Ruby Rodriguez at Jimmy Santos, naaawa nga rin ako, kasi wala rin silang work ngayon.

"Kasi kami, waiting, hanggang magkaroon ng barangay. At saka, kahit naman may vaccine pa, hindi naman assurance yun na puwede na kayong lumabas, di ba?"

happy time ON NET25

Para kay Anjo, isang malaking karangalan na marami ang pinagpilian ng Net25 management para maging host ng Happy Time, pero siya ang final choice.

Makakasama niyang host ng programa ang comedienne na si Kitkat.

"Ang maganda, ang sabi sa akin ng Net25 management, marami raw silang pinagpilian, pero napagkasunduan nila na ako yung kunin.

Continue reading below ↓

"Dalawa lang kami, lalake at babae. Kumbaga, honor sa akin na they’re giving me a chance.

"At the same time, parang pioneering nila ito na magkakaroon sila ng noontime show," pahayag ni Anjo.

Natulala raw si Anjo nang pumunta siya sa Eagle Broadcasting Corporation compound dahil sa mga state-of-the art studio na nakita niya, kaya mistulang nasa Amerika raw ang kanyang pakiramdam.

Malaking hamon ang naghihintay kay Anjo bilang host ng Happy Time, lalo pa’t makakatapat nito sa timeslot ang pinanggalingang show.

Pero ayon din kay Anjo, ang mapasaya lamang ang mga tao ang kanilang misyon, at hindi nila itinuturing na rival show ang Eat Bulaga.

"The reason why I resigned kasi katapat ng Eat Bulaga!—pero it’s not really katapat.

"Sabi naman ng Net25, hindi naman tayo makikipag-compete. Hindi naman talaga tayo lalaban, pasasayahin lang namin yung mga tao.

"Sa akin, bilang host, pagagandahin lang namin yung show para matuwa naman yung mga tao.

Continue reading below ↓

"Maraming games ng Eat Bulaga! na nahawakan ko, like yung 'Laban o Bawi,' kaya nakapag-practice ako. Hehehe!" saad ng komikong si Anjo.

Kung walang magbabago sa plano, nakatakdang magsimula sa September ang Happy Time.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjo Yllana on what he will miss about Eat Bulaga: “Yung barkada, kasi siyempre twenty-one years. More than school na ‘yan. Kung sa eskuwelahan nga, barkada kayo forever, nagkikita-kita pa rin kayo."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results