Maglalabas ng opisyal na pahayag ang TV5 tungkol sa mga bagong programa nila pagkatapos ng August 31—ang araw na magkakaroon ng malawakang workforce retrenchment sa ABS-CBN.
Mga programa ng ABS-CBN na babaguhin lamang ang title ang ililipat sa TV5, at malalaman ito sa announcement na magaganap sa susunod na buwan.
Ang gag show na Banana Sundae at ang sitcom na Home Sweetie Home ang dalawa sa mga napababalitang dating programa ng Kapamilya Network na mapapanood sa TV5.
Ipo-produce ito ni former Negros Occidental Third District Representative Albee Benitez.
Pero hindi na ang original cast ng Banana Sundae ang kasali sa TV5 show dahil pili na lamang na mga talent ng Star Magic ang magiging cast members.
Kasama sa plano na kausapin si John Lloyd Cruz.
Baka interesado itong balikan ang karakter niya sa Home Sweetie Home, ang situational comedy na pinagbidahan nila ni Toni Gonzaga mula 2014 hanggang 2017.
Binigyan na rin ng green light ang morning radio program ni Ted Failon sa TV5 na pagsasamahan nila ni DJ Chacha, ang ka-tandem niya sa Failon Ngayon.
Inalok umano si Ted ng panggabing programa, pero ang morning radio program lamang ang tatanggapin niya.
Marami pang mga shows ang ABS-CBN na nagpaparamdam ng paglipat sa TV5, pero hindi pa pormal ang mga negosasyon kaya hintayin na lang natin ang mga susunod na kabanata.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika