PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Patricia Javier: hands-on mom, businesswoman, reigning beauty titlist

Patricia Javier reveals how her family adapts in the new normal.
by Jojo Gabinete
Published Aug 15, 2020
Patricia Javier, ginugol ang panahon sa mga produktibong aktibidades kahit sa kasagsagan ng pandemya. Aniya, "Lahat kami, pati ang mga anak ko, nagsimula na ng online classes."
PHOTO/S: @patriciajavier1 Instagram

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Patricia Javier kung anong adjustment ang naranasan niya ngayong panahon ng pandemya.

"Gustung-gusto ng pamilya ko ang outdoor activities. Ngayon, hindi na puwedeng lumabas at wala na rin ang out-of-the-country trips.

"Pero nag-a-adapt naman kami dahil lahat kami, pati ang mga anak ko, nagsimula na ng online classes," sagot niya.

Bilang isang ina, malaking hamon kay Patricia ang coronavirus pandemic dahil hangga't maaari ay gusto niyang lumaking normal ang routine at activities ng dalawang anak nila ni Rob Walcher.

"Priority namin ang health at safe environment nila. I am making sure na kahit may pandemic, good memories pa rin ang nasa isip ng mga anak ko.

"I teach them how to be closer sa nature—nagtatanim kami ng mga halaman, gumagawa kami ng talbos ng kamote salad—at pang-bonding namin ang arts."

Minsan na ring nagbahagi si Patricia na sama-sama silang pamilya na naglilinis ng kanilang kotse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa "bonding time" nila iyon, natuturuan din daw niya ang mga anak sa gawaing-bahay.

LEARNING SOMETHING NEW

Pareho raw abala si Patricia at ang mister niyang chiropractor na si Dr. Rob Walcher sa pag-aasikaso ng kanilang business.

"Nag-enroll ako sa Naturopathy course. Mga natural alternative medicine ang pinag-aaralan ko sa Naturopathy dahil ‘yan ang kailangan natin, pati sa aming wellness centers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang husband ko, si Dr. Rob Walcher, busy naman sa pag-aayos ng vitamin supplements by Dr. Rob na nanggagaling pa sa Japan.

Naapektuhan din daw ng community quarantine ang pasok ng negosyo sa wellness clinics ng mag-asawa.

"Bukas na rin ang mga wellness center namin, pero fifty percent na apektado ito ng pandemic.

"Talagang pinaiiral namin ang positive thinking dahil ito ang panahon na dapat na maging malakas at malusog ang lahat.

"Mahigpit din ang pagsunod namin sa ipinatutupad na health protocols ng Department of Health."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOBLE QUEEN OF THE UNIVERSE

Samantala, tiniyak ni Patricia na matutuloy ang pagsasalin niya ng korona sa kanyang successor bilang Noble Queen of the Universe, bago matapos ang 2020 sa pamamagitan ng isang virtual pageant.

Si Patricia ang first ever winner ng Noble Queen of the Universe, na naganap noong December 1, 2019 sa Manila Hotel.

Hindi raw kanselado ang ikalawang edition ng pageant kahit na may pandemya.

Sabi ni Patricia, "Yes, tuloy pa rin ang coronation ng 2nd Noble Queen of the Universe, pero virtual presentation ang mangyayari.

"And despite the pandemic, we’re still helping our kababayans by giving vitamins and face masks to our frontliners."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patricia Javier, ginugol ang panahon sa mga produktibong aktibidades kahit sa kasagsagan ng pandemya. Aniya, "Lahat kami, pati ang mga anak ko, nagsimula na ng online classes."
PHOTO/S: @patriciajavier1 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results