Halos isang buwang replay ang mga episodes ng It’s Showtime dahil sumailalim sa quarantine ang mga host at production staff.
Ngayong tanghali, August 15, muling napanood nang live ang It’s Showtime sa Kapamilya Channel.
Lubos ang pasasalamat ng mga host dahil kahit matagal na replay ang episodes ng kanilang programa, tinangkilik pa rin ito ng televiewers.
Ang saya-saya na magkakasama pa rin tayo,” sabi ni Amy Perez.
“Siyempre, gusto naming pasalamatan ang aming staff and crew dahil talagang sobra ang kanilang pagtatrabaho para tayo ay muling magkasama-sama. Maraming salamat sa inyo.
“Maraming salamat sa madlang pipol dahil talagang hinintay nila tayong mag-live. Maraming salamat po for your love and understanding.”
Binanggit naman ni Vice Ganda ang pagtangkilik ng publiko sa playback o replay episodes ng It’s Showtime.
“Kahit replay na tayo, puro replay, nanonood pa rin sila.
"Actually, ang daming nag-e-enjoy sa mga replay, kahit yung mga past, past, past long-time-ago episodes, nag-e-enjoy pa rin sila,” obserbasyon ni Vice.
Nagpakawala rin si Vice ng patutsada nang magsalita tungkol sa mga ostrich, baka, at baboy na nakita sa mga kalsada at headline ng ABS-CBN News nitong mga nakaraang araw.
“Nakakaloka, pati ostrich, baka, baboy, naglabasan na.
"Lahat ng hayup, lumabas na yata. Nauna na yung iba, charot!”
Sinamantala rin ni Vice ang pagkakataon para pasalamatan ang lahat ng mga sumuporta sa launch kagabi, August 14, ng kanyang Vice Ganda Network sa www.live.viceganda.com.ph.
“Maraming salamat sa lahat po ng mga tumutok at mga nanalo, ang daming nanalo kahapon sa launch ng Vice Ganda Network sa aming unang show, yung game show na Prize Ganda,” balita ni Vice.
Ipinagmalaki niyang umabot sa P200,000 ang mga premyong ipinamigay niya.
“Tonight, mapapanood niyo naman ang Gabing-Gabi na Vice, guest ko naman sina Bea Alonzo at Angel Locsin. At mamimigay uli ako ng paayuda sa Prize Ganda.”
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika