PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nurse na nagpaanak sa isang homeless woman sa highway, ayaw magpakilala

Baby girl ang isinilang ng homeless woman na tinulungan ng nurse.
by Jojo Gabinete
Published Aug 18, 2020
Isang nurse na nagngangalang Loraine ang nagpaanak sa isang homeless woman sa may Osmena Highway, Makati City, kaninang umaga, August 18.
PHOTO/S: Bangkal Ferds Makati Facebook

Itinuturing na bayani ang nurse na tumulong sa pagpapaanak sa isang homeless woman sa bangketa ng Osmeña Highway, Makati City.

Pero maliban sa pangalan nitong "Loraine," baka hindi na makilala ang kanyang tunay na pagkatao dahil, bukod sa may suot na face mask, tumanggi itong ibigay ang kumpletong pagkakakilanlan niya.

Sa pamamagitan ng barangay kagawad na si Christian Jacinto ng Bangkal, Makati City, nakuha ng Cabinet Files ang kumpletong detalye ng pagsisilang sa bangketa ng 31-year-old homeless woman na nagngangalang Jeka Rausa.

Nangyari raw ang insidente bandang alas-siete ng umaga ngayong Martes, August 18.

Baby girl ang isinilang ni Jeka sa may bangketa ng Estrella Street.

Lahad ni Kagawad Christian, "Si Nurse Loraine ang tumulong sa Bangkal Fire Emergency Rescue Disaster Support Team sa pagpapaanak sa pasyente."

Ayaw raw talagang magpakilala ng nurse, kaya "Loraine" na lang daw ang itawag dito.

"Ang Osmeña Highway, shuttle pick-up point ‘yan para sa nurses. Malamang, nag-aabang si Nurse Loraine ng shuttle nang makita niya ang commotion," sabi ng kagawad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasuot daw ng uniporme at bitbit pa ni Loraine ang backpack nito nang paanakin nito sa kalye ang pasyente.

Nang dumating ang ambulansiya, agad na isinakay ang mag-ina at dinala sa Ospital ng Makati para matiyak na mabuti ang kanilang kalagayan.

Ayon kay Kagawad Christian, tambayan ng mga homeless ang kahabaan ng Osmeña Highway dahil sa mga motoristang nagbibigay ng tulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Doon lang sila natutulog sa bangketa. Katatapos lang ng aming operation kahapon, kinukuha namin yung mga homeless, dinadala sa DSWD, pero bumabalik sila.

"Ang Osmeña Highway kasi, yung mga motorista na nagdaraan diyan, binibigyan nila ng ayuda yung mga homeless na tinatawag din naming scavengers.

"Nagbibigay sila ng mga pagkain, pera, kaya marami ang nakahilera lalo na tuwing Sabado at Linggo. Makikita mo sila sa center island.

"Kapag hinuhuli at dinadala sila sa DSWD, bumabalik sila."

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang nurse na nagngangalang Loraine ang nagpaanak sa isang homeless woman sa may Osmena Highway, Makati City, kaninang umaga, August 18.
PHOTO/S: Bangkal Ferds Makati Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results