Bayolente ang reaksiyon ng publiko sa pahayag ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Alberto Suansing na pinag-aaralan ng kanilang ahensiya ang paglalagay ng tollways sa EDSA.
Ito ay para raw mabawasan ang bilang ng mga sasakyan at madagdagan ang kita ng pamahalaan.
Sinabi ni Suansing ang balak ng DOTr sa Wednesday night (August 19) episode ng The Chiefs, ang talk show sa One News nina Ed Lingao, Roby Alampay, at Amy Pamintuan.
"We will also be introducing parang sa Singapore, the tolling.
"Like, let’s say for example, thirteen hours of the day—from 7 o’clock in the morning until 10 o’ clock in the morning, and then again, 4 in the afternoon until 9 o’clock in the evening.
"Kapag dumaan ka diyan sa stretch ng EDSA, let’s say from Quezon Avenue hanggang dun sa Roxas Boulevard, you have to pay toll, RFID [radio frequency identification] na.
"That’s both a volume reduction measure and revenue generating measure.
"Next year na ‘yan kasi you can only do that if you have an efficient transport facility," saad ng DOTr official.
Bagamat sa 2021 pa ito ipatutupad, kung saka-sakali, ngayon pa lang ay inaalmahan na ito ng publiko.
Nangangahulugan kasi ito ng dagdag na namang gastos sa kanilang araw-araw na biyahe sa makasaysayang kalsada.
Hindi matanggap ng maraming Pilipino na mula na sa buwis nila ang ginagastos sa pagpapagawa ng mga kalsada—kasama ang Edsa—pero tila igigisa pa sila sa sariling mantika at pagbabayarin ng toll para lamang makadaan ng EDSA.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika