PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Isko Moreno: "Hindi po ako governor ng China, mayor po ako ng Maynila, Philippines."

Isang tindahan sa Binondo, ginawang "Province of China" ang Manila.
by Jojo Gabinete
Published Aug 20, 2020
Manila Mayor Isko Moreno: "Ang Binondo ay bahagi po ng Maynila, at ang Maynila ay Pilipinas. Ang Maynila ang kapitolyo ng bansa. Hindi po ito probinsiya ng China at ni minsan, hindi ito naging bahagi ng Tsina sa anumang lathalain o sa kasaysayang naitala sa panahon ng mga ninuno natin."
PHOTO/S: Manila Public Information Office

"Hindi po ako governor ng China, mayor po ako ng Maynila, Philippines."

Ito ang deklarasyon ni Manila Mayor Isko Moreno kaugnay ng pagpapasara niya ngayong Huwebes, August 20, sa isang tindahan sa Binondo na nagbebenta ng mga beauty product na walang lisensiya.

Ngunit ang mas nakapagpanginig ng kanyang laman ay ang address na ginamit ng tindahan: "1st floor 707 Sto. Cristo Street, San Nicolas, Manila, Province of China."

Sa isang live broadcast mula sa kanyang opisina sa City Hall ngayong gabi, nagsalita si Mayor Isko tungkol sa paglapastangang ito ng mga sangkot na may-ari ng kompanya.

Pahayag ng 45-anyos na alkalde, "Kung usapin rin lamang ng permiso o lisensiya sa pagnenegosyo sa lungsod ng Maynila, meron po kaagad silang violation.

"'Yan po yung misrepresentation ng kanilang address.

"Ang bawat lungsod o local government sa buong Pilipinas ay nagbibigay po ng business permit base sa kung saan ang lugar ng kanilang tindahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At dahil doon po, iniinspeksyon po ‘yon at malalaman na talagang may tindahan at sumusunod sila sa mga regulasyon o alituntunin na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan.

"Katulad ng nabanggit ko, misrepresentation."


MANILA IS NOT A PROVINCE OF CHINA

Iginiit din ni Mayor Isko na ang Maynila ay hindi kailanman naging probinsiya ng bansang China.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pangalawa at higit sa lahat, ang Binondo ay bahagi po ng Maynila, at ang Maynila ay Pilipinas.

"Ang Maynila ang kapitolyo ng bansa. Hindi po ito probinsiya ng China.

"At ni minsan, hindi ito naging bahagi ng Tsina sa anumang lathalain o sa kasaysayang naitala sa panahon ng mga ninuno natin.

"Hindi po katanggap-tanggap sa akin bilang Pilipino, bilang Manileño. Hindi po natin papayagan ito."

Tiniyak ni Mayor Isko sa kanyang mga kababayan sa Maynila na hindi niya hahayaan ang mga "super power" na maliitin tayo sa sarili nating bansa.

Saad niya, "Hindi natin hahayaan ang mga super power na ‘yan na para bang tayo’y pinipitik-pitik na lang sa mata at binabalewala nila ang sobrenitiya ng ating bansa, at dito pa gagawin sa Maynila.

"Umasa po kayong hinding-hindi po namin papayagan itong mga indibidwal na ito na para bang sinasampal-sampal na lang tayo sa mukha natin at sa harapan natin."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinabi rin ni Mayor Isko na magpapadala siya ng sulat sa Bureau of Immigration para maipa-deport ang dalawang Chinese na nagbebenta sa Maynila ng mga beauty products na hindi aprubado ng Food and Drug Administration.

"Umasa kayo na itong limang may-ari ng nasabing kompanya ay hindi na po makapagnenegosyo sa lungsod ng Maynila, at dalawa sa lima ay mga Chinese national.

"Pagkatapos ng broadcast na ito ay susulat ako sa Bureau of Immigration to deport and declare these two Chinese nationals as undesirable aliens in violation of existing rules and regulations in doing business in the city of Manila, and misrepresentation.

"Para bang inaangkin nila ang Maynila ay sa China. Inilagay pa province of China?"

Pagdidiin ni Mayor Isko: "Hindi po ako governor ng China, mayor po ako ng Maynila, Philippines. Yan po ang address ng Maynila.

"Uulitin ko, Manila, kapitolyo ng bansa, ang bansa ay Pilipinas at ang Pilipinas ay malaya. May sariling sobrenitiya ang ating bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But no way no way na kayo ay harap-harapang aalipustahin ang aming lungsod. Hangga’t ako ang mayor ng lungsod, you have no place in Manila, those who will do illegal business in the city, moreso with foreigners."

OPEN FOR BUSINESS

Ayon kay Mayor Isko, bukas ang lahat magnegosyo sa Maynila hangga't sumusunod ang mga negosyante sa batas.

"Totoong gusto ko magnegosyo ang mga tao sa Maynila. Kahit ano pa ang lahi, kulay, nasyonal, welcome ho kayo sa Maynila as long as the law allows it.

"When you’re in Manila, you follow our laws. And when you’re in the country while in Manila, you follow also our national laws or existing laws in the country."

Nanawagan din siya sa mga may-ari ng Lazada at Shopee, mga e-commerce company, na huwag ibenta ang mga produktong masama sa kalusugan ng tao.

"Kung sinuman ang nanonood na may kakilala sa mga may-ari ng Lazada, ng Shopee, akin pong kinukuha ang inyong atensiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"You might be facing some legal problems by allowing these products to be sold in your respective websites or online stores."

Matapos magsalita ni Moreno, pinatugtog ang "Lupang Hinirang" para patunayan na ang Maynila ay lungsod ng Pilipinas at hindi probinsiya ng China.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manila Mayor Isko Moreno: "Ang Binondo ay bahagi po ng Maynila, at ang Maynila ay Pilipinas. Ang Maynila ang kapitolyo ng bansa. Hindi po ito probinsiya ng China at ni minsan, hindi ito naging bahagi ng Tsina sa anumang lathalain o sa kasaysayang naitala sa panahon ng mga ninuno natin."
PHOTO/S: Manila Public Information Office
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results