Ted Failon, opisyal nang namaalam sa ABS-CBN

by Jojo Gabinete
Aug 30, 2020
“Ang pagpapatigil sa radio broadcast operations ng ABS-CBN ang nag-udyok sa hakbang na ito," ang nasabing dahilan sa statement ABS-CBN tungkol sa pamamaalam na ni Ted Failon sa Kapamilya Network.

Ilang linggo nang napapabalita ang paglipat ni Ted Failon sa radio station ng TV5, pero walang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa kanyang kampo.

Ngayong hapon ng Linggo, August 30, naglabas na ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN Corporation, ang television network na naging tahanan ng multi-awarded broadcaster sa loob ng tatlumpong taon.

Kinumpirma ng ABS-CBN management ang pamamaalam ni Ted.

Sa huling pagkakataon ay mapapanood siya bukas, Lunes, August 31 sa TV Patrol at sa kanyang DZMM radio program na Failon: Ngayon sa TeleRadyo.

Malungkot ang loyal viewers ng primetime newscast ng ABS-CBN dahil nasanay na silang natutunghayan si Ted sa TV Patrol.

Matagal na naging bahagi si Ted ng buhay nila kaya parang nawalan ng kapamilya ang kanilang pakiramdam.

Ito ang opisyal na pahayag, pasasalamat, at pamamaalam kay Ted ng Kapamilya Network.

“Matapos ang 30 taon, magpapaalam na sa ABS-CBN ang batikang brodkaster na si Ted Failon. Huling beses nang mapapanood si Ted sa “TV Patrol” at “Failon Ngayon sa TeleRadyo” ngayong Agosto 31.

Continue reading below ↓

“Ang pagpapatigil sa radio broadcast operations ng ABS-CBN ang nag-udyok sa hakbang na ito. Bagamat nakalulungkot, iginagalang namin ang kanyang desisyon.

"Hinahangaan namin ang kanyang husay at pagmamahal sa radio broadcasting, na pinakamabisang paraan ni Ted para mas makapaglingkod nang mabuti sa bayan.

“Nagpapasalamat kami kay Ted sa dedikasyon at paglilingkod niya sa maraming taon bilang isang mamamahayag ng Kapamilya network.

"Si Ted ay mananatiling isang Kapamilya habambuhay. Hangad namin ang ikabubuti niya sa daang kanyang tatahakin.”


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Ang pagpapatigil sa radio broadcast operations ng ABS-CBN ang nag-udyok sa hakbang na ito," ang nasabing dahilan sa statement ABS-CBN tungkol sa pamamaalam na ni Ted Failon sa Kapamilya Network.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results