Kapamilya singer-actor, lilipat sa talent management agency ng actress girlfriend

by Jojo Gabinete
Sep 3, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Nagaganap na ang negosasyon sa paglipat ng singer-actor sa talent management agency na nagpapatakbo sa showbiz career ng kanyang karelasyong aktres.

Definitely, may kinalaman ang girlfriend ng singer-actor sa desisyon nitong lumipat at iwanan ang talent management agency na dating nangangalaga sa career niya.

Nagiging sigurista ang singer-actor dahil siya lamang ang makakatulong sa sarili.

Tulad ng ibang mga artista, malaki ang epekto sa singer-actor ng pagsasara ng ABS-CBN kaya naghanap agad siya ng mga taong gagabay sa bagong kabanata ng kanyang showbiz career.

Hindi naman nahirapan ang singer-actor sa paghahanap dahil tinulungan siya ng kanyang girlfriend.

Malaki ang kinalaman ng girlfriend ng singer-actor kaya malapit na silang magkasama sa iisang bakuran.

Parang ito ang nangyari sa paglipat ni Matteo Guidicelli sa Viva Artists Agency, mula Star Magic, noong February 2019.

"She’s a big part of my moving here, this big change, leap,” ang pahayag noon ni Matteo tungkol sa impluwensiya sa kanya ni Sarah Geronimo.

Continue reading below ↓

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results