Dalawang aktor, nakaranas ng depression ngayong pandemic dahil sa magkaibang dahilan

by Jojo Gabinete
Sep 5, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Dumanas ng depression ang dalawang aktor dahil sa magkaibang dahilan, pero malaki ang kinalaman nito sa coronavirus pandemic.

Nangayayat nang husto si Actor E dahil pinoproblema nito ang mga bayarin sa monthly rental ng condominium unit na nirerentahan, ang monthly payment sa sasakyang hinuhulugan, at ang buwanang sustento sa pamilyang umaasa sa kanya.

Simula nang magkaroon ng lockdown sa Luzon noong March 15, hindi na nakapagtrabaho ang aktor na breadwinner ng pamilya.

Hindi itinanggi ng aktor sa kanyang mga kaibigan ang depression na pinagdaraanan nang masaid ang savings niya dahil sa halos anim na buwang kawalan ng pagkakakitaan.

ACTOR N

Depression din dahil sa COVID-19 ang dahilan ng biglang pagpayat si Actor N na ulirang anak din sa kanyang pamilya.

Walang problema sa pera si Actor N dahil kahit may pandemya, tuluy-tuloy ang trabaho niya.

Nangayayat si Actor N nang magkaroon ng COVID-19 ang isang taong malapit sa kanya.

Dinamdam nang husto ng aktor ang nangyari kaya nakaranas siya ng depression, dahil ang huwag magkaroon ng karamdaman ang sinumang miyembro ng kanyang pamilya ang ipinagdarasal niya.

Continue reading below ↓

Sa awa ng Diyos, magaling na ang taong malapit sa aktor, na napakabuti kaya patuloy na pinagpapala.

Ayon sa World Health Organization, ang Pilipinas ang may pinakamataas na antas ng depression sa Southeast Asia bago pa man nagkaroon ng COVID-19 pandemic.

Sa pag-aaral ng Department of Health noong 2005, may walumpu’t walong kaso ng mental health problems sa bawat 100,000 bilang ng mga Pilipino.

Hindi nakakagulat ang pagdami ng depression cases sa ating bansa dahil sa coronavirus pandemic kaya mahalagang pagtuunan ng pansin ang mental health ng bawat isa.

Ilan sa mga simpleng paraan upang makaiwas o malabanan ang depression at anxiety attack sa panahon ng coronavirus pandemic ay ang pagdarasal, exercise, sapat na tulog, pagkain nang maayos, pag-iwas sa mga inuming nakalalasing, pagpapatibay ng relasyon sa mga kapamilya at kaibigan, pag-iwas sa mga taong puro reklamo, at huwag magpaalipin sa social media na pinamumugaran ng toxic people.

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results