Mga teleserye nina Coco, Dingdong, at Lovi balik-taping na

by Jojo Gabinete
Sep 7, 2020
(From left) Coco Martin's Ang Probinsyano, Lovi Poe's Owe My Love; and Dingdong Dantes's Descendants of the Sun are three of the primetime shows that have resumed taping amid the pandemic.
PHOTO/S: Instagram

Nahinto ang taping ng Owe My Love noong March 2020 dahil sa coronavirus pandemic.

Ang Owe My Love ang bagong primetime series ng GMA Public Affairs na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Benjamin Alves, Ai-Ai delas Alas, Nova Villa, WinWyn Marquez, Kiray Celis, Ruby Rodriguez, at Jackie Lou Blanco.

Pero nakatanggap ng magandang balita ang cast at production staff ng Owe My Love dahil pinaghahanda na sila sa pagre-resume ng taping.

Dahil pa rin sa banta ng COVID-19, ang lock-in taping at lahat ng safety protocols ay ipatutupad ng GMA Public Affairs para sa kaligtasan ng lahat ng sangkot sa production.

Sa November 2020 ang target taping ng Owe My Love para may sapat na panahong makapaghanda ang lahat sa magaganap na lock-in taping.

Meanwhile, nag-resume na rin ang taping ng Ang Probinsyano sa Batangas.

Matagal nahinto ang taping ng primetime action-drama series ni Coco Martin sa Kapamilya Channel dahil pangalawang linggo ng July nang bumalik ang cast at ang production staff sa Metro Manila.

Continue reading below ↓

Naka-schedule na ipagpatuloy ang taping ng Ang Probinsyano noong unang linggo ng Agosto, pero biglang nagdeklara ng labing-limang araw na Modified Enhanced Community Quarantine dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19.

On the other hand, sa September 11 ang last day ng lock-in shoot ng Descendants of the Sun ng GMA-7 sa isang rainforest camp sa Tanay, Rizal.

Ngayong araw, September 7, ang rest day ng cast at crew kaya nagkaroon si Dingdong Dantes ng pagkakataong makapagbahagi sa kanyang social media page tungkol sa mga nangyayari sa set ng primetime program nila.

"We are at Day 7 of our lock-in shoot here in Rizal to finish Descendants of the Sun PH. The initial few days of the shoot was challenging because we were all adjusting to the new protocols.

"Pero bonus talaga that the team has already established a good and smooth working relationship, kaya naging mas madali ang adjustment. So today is rest day, and I had to ride a few kilometers within the property to get some signal.

Continue reading below ↓

"Time to check on my family,@dingdong.ph and@aktor.ph. I hope that you and your loved ones are also healthy over there."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Coco Martin's Ang Probinsyano, Lovi Poe's Owe My Love; and Dingdong Dantes's Descendants of the Sun are three of the primetime shows that have resumed taping amid the pandemic.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results