Boy Abunda backs tell-all of BB Gandanghari na dawit si Piolo Pascual

by Jojo Gabinete
Sep 17, 2020
Boy Abunda (middle) taking the cudgels for BB Gandanghari (left) who has been narrating a past romantic encounter with Piolo Pascual: "May mga akusasyon pa na, 'Ay, kasi may clothing line! Ay, gustong dumami ang subscribers! Ay, kasi gustong maging relevant!' Alam mo kung ano ang sagot ko doon? All of the above, yes! May karapatan siya, buhay niya iyon, e."
PHOTO/S: BB Gandanghari Youtube / Boy Abunda Facebook / Piolo Pascual Instagram

Nagsalita si Boy Abunda hinggil sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni BB Gandanghari bilang si Rustom Padilla at ng showbiz A-lister na si Piolo Pascual.

Si Boy ay kilalang miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, at questioning (LGBTQ) community.

At sa mga araw na darating, maglulunsad ang multiawarded TV host ng iba-ibang talk shows sa kanyang The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube.

Base sa kanyang Facebook video, kasama rito ang Talk About Talk, The Blackout Interview, Fast Talk Ng Bayan, Spoken Mula Sa Puso, The Interviewer, at ang nakaraan niyang digital films.

At sa isa rito, tatalakayin daw ni Boy ang kuwento ni Rustom at ang "intimate" encounter nito sa isang "famous actor" sa San Francisco noong 2001.

Bungad ni Boy: "I have ten points to discuss. It’s my service to the LGBTQ community.

"Ikonstekto natin itong usaping BB-Piolo. Ito lang, pag-isipan nila. Wala akong sinasabi na tama si BB, tama si Piolo. Hindi.

Continue reading below ↓

"Tingnan lang natin itong mga elemento na ito kasi meron din tayong partisipasyon."

Eksklusibong nakapanayam ng Cabinet Files si Boy nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 16.

Umani ng batikos si BB kahit mula sa kapwa showbiz personalities at mga miyembro ng LGBT community dahil sa hati-hating paglalahad nito ng kanyang "self-discovery."

Nadadawit kasi ang isang kilalang personalidad sa sinasabi ni BB na hindi niya malilimutang karanasan sa San Francisco.

Sabi naman ni Boy ukol dito: "Unfair na sagutin ko yung, 'Tama ba na idawit ni BB Gandanghari si Piolo Pascual na nananahimik?'

"It’s a very difficult question to answer because 'I left my heart in San Francisco' is the 10th or 11th episode of that spoken book.

"Prior to that, he spoke about his family, his father, Carmina Villarroel, his life, etcetera.

"Wala akong kinakampihan ha? I say very nice things to both."

BOY SAYS BB DIDN'T OUT PIOLO

Naniniwala si Boy na walang intensiyong guluhin ni BB si Piolo.

Continue reading below ↓

Kung tutuusin, ani Boy, may mga nauna nang maiinit na kontrobersiyang kinasangkutan si Piolo.

Diretsahang paliwanag ni Boy: "Hindi niya ginugulo si Piolo. Technically, she’s telling the story.

"This is not the first time that Piolo got involved in a discussion about his gender. Nagkaroon na ng libro, nagkaroon na ng interview si KC Concepcion, marami na.

"There’s a netizen na hinamon pa ni Piolo ng suntukan.

"To claim that BB is outing Piolo, or Jonathan in that narrative, kasi natapilok siya dalawa o tatlong beses, is not necessarily true."

Tingin naman ng iba, sinadya ni BB ang pagkakatapilok.

Hawak daw ni BB ang kanyang vlog—mula recording, hanggang editing, pati ang release—kaya kung talagang nag-slip lamang siya, madali niyang nabura iyon. Pero hindi niya binura.

Sa vlog narrative ni BB, itinago niya ang mga tauhan ng romantic encounter sa mga pangalang "David" at "Jonathan," ngunit makailang beses rin niyang ginamit ang "Piolo" imbes na "Jonathan" at kalaunan ay nilinaw nang si "David" ay si "Rustom."

Ganunpaman, ang pinagtuunan ni Boy ay ang puntong tanging si Piolo raw ang makapagsasabi ng sexual orientation nito.

Continue reading below ↓

Ayon kay Boy: "On the other end, how does Piolo identify himself? Ang sinasabi ni BB, 'Piolo, magsalita ka kung gusto mo. Malay mo, you’re straight.'

"Ako naman, dinadagdagan ko. Malay mo, he’s fun, romantic, he’s demisexual. Malay mo he’s bisexual. Malay mo he doesn’t subscribe to gender?

"But, ang alam ko lang, this is not going to affect Piolo.

"Worst things had happened in the past, he left for a while, he comes back with a new show, with a new song, and everybody had forgotten it.

"You know why?

"Napakabuting tao kasi ni Piolo."

HOT STORIES

boy EXPLAINS "LGBT COMPONENT"

Nag-iwan si Boy ng palaisipan. Bakit daw big deal sa iba ang paglalahad ni BB ng karanasan niya noong pasibol pa lang ang kanyang pagiging transwoman.

Taong 2006 nang unang umamin si Rustom Padilla na siya ay "gay."

Taong 2017 nang aprubahan ng isang U.S. court na kilalanin si Rustom bilang Binibini Gandanhari, na female ang gender, sa lahat ng kanyang identification documents.

Continue reading below ↓

Sa mga sumunod na salita ni Boy, mahihinuhang naniniwala siyang hindi dapat isyu ang anumang romantic involvement sa pagitan ng dalawang tao.

"Pero saan ang pinanggagalingan ng lahat ng ito?

"Tayong lahat, tinuruan tayo at natuto tayo, sinabihan tayo, at nakinig tayo—na ang gender ay binary—feminine at masculine.

"Kapag inilabas mo ang usapan do’n ay parang abnormal ka na.

"Ganito lang: BB Gandanghari palitan mo ng pangalan, sabihin mong siya ay si Helena, isang babae, at ang involved ay si Piolo Pascual.

"Nagkaroon sila ng one weekend love affair sa San Francisco.

"Ano ang reaksyon ng macho Filipino? 'Ang tinik talaga ni Papa Piolo, ang hilig sa chicks.'

"But because there’s an LGBTQ component to it, naglalaway tayo.

"Somehow, binabahiran mo yung mystical Adonis natin na si Piolo Pascual."

BOY ON PIOLO'S STATURE AS A SHOWBIZ A-LISTER

Malalim ang koneksiyon ni Boy kina Rustom at Piolo.

Si Boy ang dating manager ni Rustom.

Continue reading below ↓

Bilang veteran TV host sa ABS-CBN, si Boy din ang madalas nag-iinterbyu kay Piolo kapag nasasangkot ito sa kontrobersiya.

Sa pakikipag-usap ng Cabinet Files kay Boy, binalikan nito ang mga panahong ang pangalan ni Piolo ang isinasagot na pantasya ng maraming sikat na artista sa bansa.

Kaya raw tiwala si Boy na hindi makakaapekto sa aktor ang mga rebelasyon ni BB.

"In my interviews, halimbawa, sexiest man in the Philippines—[mapa] babae, lalake, bakla, lesbian—top of mind, Piolo Pascual," ani Boy.

Marami raw kababaihan ang nagkukumahog maka-date si Piolo sa mga premiere night.

"Because he’s a mystical Adonis, the most gorgeous man in this country.

"I also don’t subscribe to the idea na masisira yung career ni Piolo. Walang nakasira kay Piolo. Wala.

"Sabi nga ni BB in one of her discussion, 'Not a thousand BBs have the right to define the gender of Piolo. Wala akong magagawa, only Piolo can.' “

Continue reading below ↓

"Dun naman siya tumama."

BOY: IT'S PIOLO'S RIGHT TO REMAIN SILENT

Hindi lang daw sang-ayon si Boy sa bahagi ng vlog ni BB na naghahamon itong sagutin ni Piolo ang isyu.

Lahad ni Boy: "Hindi lang ako agree kay BB nung sinabi niya na, 'Piolo, come out. Magsalita ka!'

"Hindi, BB. Kung anong gustong gawin ni Piolo, kanya iyon.

"Kung gusto niyang tumahimik, kung gusto niyang magsalita, kung gusto niya idedma. That will always be his right.

"Ang lahat ng mga tao na nasa kloseta, karapatan nila ‘yon. Bakit?

"Dini-disable natin, na kapag lumabas sila sa kloseta, sasabihin 'kahihiyan, kabawasan, abnormalidad.'

"Iyan ang pinapaniwala sa atin kaya patuloy pa rin itong diskusyon about gender."

Ulit ni Boy, tanging si Piolo ang makakapagsabi kung ano ang sexual orientation nito, at kung gusto nitong talakayin iyon sa publiko.

"What if Piolo is gender fluid? Lahat naman tayo nanghuhula. What if he’s asexual? What if he doesn’t subscribe to gender?

Continue reading below ↓

"Hindi ganoon kasimple na bakla, lalake, babae… Marami na ang scholars na nag-aaral na malawak pala talaga ang gender spectrum."

HOT STORIES

BOY: IT'S BB'S RIGHT TO TELL HER STORY

Kumontra rin si Boy sa mga nagpapalagay na wrong timing ang tell-all ni BB dahil sa coronavirus pandemic.

Para kay Boy, may karapatan si BB sa kuwento ng buhay nito.

"Sabi nila, ang pangit naman ng timing ni BB, nasa pandemic tayo. May konting tama naman ‘yon—parang ang lungkot natin, ngayon pa nadamay.

"Pero sa akin naman, hindi masamang balita ‘yon. She’s telling her story, she has the right to her story.

"Kahit kailan mo sabihin ‘yan, na involving somebody as big, [as] controversial as Piolo, will always be a wrong time to do the narrative.

"Paskong-Pasko, Dyusko, ngayon pa ginawa ni BB... Valentine na Valentine, umpisa ng taon... Katapusan ng taon... Full moon…

"It will always be the wrong timing for her to do the narrative kasi involved ang attitude natin."

Continue reading below ↓

Hindi raw maiwasang maging mapanghusga sa kapwa ang publiko.

"Ano ang ating attitude? 'Ah, bakla iyang si ano…' We do it in whispers na para bang ang pagiging bakla ay kasiraan, kasalanan, o kabawasan kaya pinalalaki natin.

"Bakit hindi pinag-usapan ang Episode 4 yata, ni-research ko na ito, he spoke about his bad relationship with the father, the violence.

"He spoke about how he met Carmina, wala naman nag-react?

"But suddenly dito sa Episode 10, 11, sobra ang reaksyon because it involves an LGBT issue.

"So hindi lang ito BB-Piolo. Tayo involved kasi yun pa rin ang pananaw natin."

REMEMBERING PAST INTERVIEWS WITH PIOLO

Ayon pa rin kay Boy, may mga panayam siya noon kay Piolo na diretsahan niyang tinanong ang sexual orientation nito.

Base sa timeline ni Boy, nangyari ito sa simula pa lang ng kasikatan ni Piolo.

"Even that interview, year 1999 or 2000, 'Piolo are you gay?' 'No.'

Continue reading below ↓

"'Do you have a gay lover?' No.'

"'Will you have a relationship with somebody gay?' 'Ahahaha... I don’t wanna be discriminatory. I’m not sure.'"

Malinaw na itinanggi raw ni Piolo na gay ito.

"Do I think Piolo is lying? No! What if he’s fluid?" saad ni Boy.

NOT IN TOUCH WITH BB?

Sa huli, sinabi ni Boy na matagal na silang hindi nagkikita sa personal ni BB.

"In fairness to BB, I haven’t seen him in years. Matter of factly yung kanyang narrative.

"Each one of us has the right to tell our story at anytime we want kasi kanya-kanya tayo na may skeletons.

"Ito yung panahon na kinukumpleto ni BB ang kanyang spoken book, yun ang pagkakaintindi ko."

May sagot din si Boy sa isyung pinagkakakitaan umano ni BB ang pandadawit nito sa isang sikat na personalidad.

"May mga akusasyon pa na, 'Ay, kasi may clothing line! Ay, gustong dumami ang subscribers! Ay, kasi gustong maging relevant!'

Continue reading below ↓

"Alam mo kung ano ang sagot ko doon? All of the above, yes!

"May karapatan siya, buhay niya iyon, e.

"Kung ang iba nagluluto para ma-attract ang subscribers, ang iba nagbibihis at nagwawalis, ang iba ay umiiyak dahil ninakawan ng asawa.

"Social media has no boundaries. It’s his right. It’s his story."

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boy Abunda (middle) taking the cudgels for BB Gandanghari (left) who has been narrating a past romantic encounter with Piolo Pascual: "May mga akusasyon pa na, 'Ay, kasi may clothing line! Ay, gustong dumami ang subscribers! Ay, kasi gustong maging relevant!' Alam mo kung ano ang sagot ko doon? All of the above, yes! May karapatan siya, buhay niya iyon, e."
PHOTO/S: BB Gandanghari Youtube / Boy Abunda Facebook / Piolo Pascual Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results