PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga sementeryo sa buong bansa, isasara mula October 29 hanggang November 4

Mayor Isko Moreno, nauna nang nagdeklara ng pagsasara ng mga sementeryo.
by Jojo Gabinete
Published Sep 18, 2020
PHOTO/S: Philippine News Agency

Si Mayor Isko Moreno ang unang nagdeklara ng pansamantalang pagsasara ng mga sementeryo, memorial parks, at columbaries sa Maynila, mula October 31 hanggang November 3, 2020, bilang pag-iingat at paglaban sa coronavirus pandemic.

Nilagdaan ni Moreno ang Executive Order No.38 noong September 7 para maiwasan ang pagtitipon-tipon ng mga tao sa sementeryo, memorial parks, at columbaries sa All Saint’s Day at All Souls Day.

Ngayong Biyernes, September 18, inanunsiyo ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang desisyon nito, sa pamamagitan ng Resolution No.72, na isara ang lahat ng mga sementeryo, memorial parks, at columbaries sa buong bansa mula October 29 hanggang November 4, 2020.

Ito ay para maiwasan din ang pagkalat ng COVID-19.

Papayagan ng IATF na dumalaw ang mga tao sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay mula September 17 hanggang October 28, at November 5 hanggang November 15, para maiwasan ang mga mass gathering na karaniwang nangyayari sa tuwing ginugunita ang Undas o Araw ng mga Patay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahigpit ding ipatutupad ng IATF ang pagsusuot ng face masks at face shields sa mga nagbabalak bumisita sa libingan ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay sa mga nabanggit na petsa.


MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Philippine News Agency
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results