Watch Now

Tondo boy Jerald Napoles, masaya kaya sa rehabilitasyon ng Manila Bay?

by Jojo Gabinete
Sep 21, 2020
Jerald Napoles on white sand in Manila Bay: "At first, 'Uy, wow, may white sand sa Manila Bay!' Afterwards, 'Luh, bakit may white sand sa Manila Bay?' Pero okey na yung idea na ‘yon sa amin, nandiyan na ‘yan, e."
PHOTO/S: Instagram

Lumaki at nagkaisip ang comedian-singer na si Jerald Napoles sa bahagi ng Tondo na malapit sa Manila Bay.

Ito ang dahilan kaya pangarap niyang makitang malinis at maganda ang lawa na sumasailalim sa kasalukuyan sa rehabilitation project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

At dahil batang Tondo, may mga hindi makalilimutang alaala si Jerald tungkol sa Manila Bay.

Lumaki ako sa area na ‘yan, e. Yung side na kinalakihan ko sa Tondo, malapit sa Manila Bay kaya matagal ko nang pangarap na makita na malinis ‘yan.

“Diyan ako unang nag-jogging noong bata pa ako kasi isinama ako ng mama ko,” lahad ni Jerald sa Cabinet Files ngayong hapon, September 21.

Nang malaman ni Jerald at ng kanyang kaibigang si Paeng Sudayan na lalagyan ng puting buhangin ang baybayin ng Manila Bay, nasabik ang kanilang unang naging pakiramdam.

At first, 'Uy, wow, may white sand sa Manila Bay!' Afterwards, 'Luh, bakit may white sand sa Manila Bay?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero okey na yung idea na ‘yon sa amin, nandiyan na ‘yan, e.

"Pero naisip naming P390 million is a lot of money that we could have spent on things that, in our opinion, would matter most specially ngayong pandemic, kahit allotted yung budget last year o 2 years or 3 years ago man, pandemic ngayon, e."

P390 million ang budget ng DENR sa Manila Bay rehabilitation.

Patuloy ni Jerald, "Pero kung sa tingin nila makakatulong, e, di push! Sana nga marami ang matulungan at mapagaan ang pakiramdam ng white sand sa Manila Bay.

"Basta ang importanteng isipin natin, since para sa atin ‘yang white sand na ‘yan, dapat alam din natin ang mga responsibilidad na pangalagaan ang Manila Bay.

"Sa ganoon naman nagsimula ang Manila Bay, dating malinis at maganda, pero tayo mismo ang nagpabaya," sabi ni Jerald, na umaasang babalik sa dati ang makasaysayang lawa ng Maynila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOT PREPARED

Samantala, sa panayam sa kanya ng CNN Philippines, inamin ni DILG Secretary Eduardo Año na hindi naging handa ang DENR at Manila Local Government Unit sa pagdagsa ng mga tao sa Manila Bay kahapon, September 20.

“Para sa akin kasi, expected talaga na maraming pupunta diyan because siguro dahil sa tagal ng lockdown, the people wanted to go the beach, and nakita nila na ang Manila Bay binuksan for awhile for two days at gusto nilang makita by their own eyes, curious.

"Kaya lang, sa tingin ko, kulang yung preparations para ma-enforce natin yung minimum health standards.

"Nagpaalam naman ang DENR at ang Manila Local Government Unit na they will have a two days activity.

"Sana napaghandaan nang husto ‘yan kaya nga ang pinaka-immediate kasi dapat na magpe-prepare diyan, ang Philippine National Police, being the frontliners and the enforcers, e, hindi pa rin napigilan.

"Mahirap talaga sa ganitong panahon, under GCQ pa, we have activities like this. Dadagsain talaga ng mga tao dahil sabik na sabik silang makalabas,” pahayag ni Año sa interbyu sa kanya ni Pinky Webb ng CNN Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sakop ng Ermita ang bahagi ng Manila Bay na binuksan sa publiko kahapon, kaya sinibak sa puwesto si Ermita Police Station Commander Lt.Col. Ariel Caramoan dahil hindi nito naipatupad ang physical distancing sa mga kababayan nating sumugod sa naturang lugar.

Ngayong Lunes, September 21, mahigpit na binabantayan ng mga tauhan ng PNP ang rehabilitated portion ng Manila Bay para hindi na ito dagsain ng mga usiserong Pilipino.

Sinisita ang mga taong nagdaraan sa footbridge at humihinto dahil ipinagbabawal na kunan ng litrato ang white sand ng Manila Bay, na mananatiling nakasara sa publiko hanggang sa katapusan ng taon.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerald Napoles on white sand in Manila Bay: "At first, 'Uy, wow, may white sand sa Manila Bay!' Afterwards, 'Luh, bakit may white sand sa Manila Bay?' Pero okey na yung idea na ‘yon sa amin, nandiyan na ‘yan, e."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results