PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BB Gandanghari, idinetalye ang naganap kina David at Jonathan sa Pasig motel

Jonathan, may karelasyong iba nang nakikipagkita kay David.
by Jojo Gabinete
Published Sep 23, 2020
BB Gandanghari proceeds with the next part of his tell-all about "David" and "Jonathan." Ang kanyang "BB Uncut" ay libre pa ring napapanood.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Nagtaka ang sumusubaybay sa YouTube Channel ni BB Gandanghari dahil napanood pa rin nila nang libre ang Episode 12 ng "BB Uncut: Who Killed Rustom Padilla, Story of US: David and Jonathan."

Inanunisyo ni BB noong nakaraang linggo na magbabayad na ang mga manonood ng kanyang intimate revelations.

Nasaktan daw kasi siya sa mga batikos ng LGBTQ community kaya nagdesisyon siyang gawing exclusive na lamang ang panonood ng kanyang mga rebelasyon sa "BB Uncut" sa mga handang magbayad.

Hindi pa nangyayari ito. Maluwag pa ring napapanood sa YouTube Channel ni BB ang karugtong ng kanyang kuwento ng romantic escapade nina David at Jonathan, na nag-umpisa sa pagkikita ng dalawa sa San Francisco, California, noong April 2001.

Ginamit ni BB ang mga pangalang David at Jonathan sa kanyang tell-all video para maprotektahan daw ang katauhan ng mga sangkot sa kuwento, pero maraming beses naman niyang nabanggit ang pangalan ng kanyang mga pangunahing karakter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga pangyayari nang bumalik sina David at Jonathan sa Pilipinas ang tampok sa bagong kuwento ni BB.

Dito ay inilahad ni BB ang insidente sa Pasig City motel na pinuntahan ng dalawa.

"WEED INCIDENT"

Nang banggitin ni BB ang tungkol sa “weed incident” sa motel, may disclaimer siyang nangyari ang lahat dalawampung taon na ang nakalilipas kaya huwag daw husgahan sina David at Jonathan.

Lahad ni BB, "Jonathan put out something, weed. Sabi niya, ‘Do you smoke?’

"Sabi ni David, 'High school. High school pa ako nakapagganyan.'

"Sabi niya [Jonathan], 'Do you wanna try?'

"Si Rustom naman, at this point, hindi naman ako nagmamalinis. Hindi naman siya ganoon ka-naive.

"Yun ang katotohanan, kilala naman niya ang weed at saka hindi siya takot sa weed, although hindi siya nagwi-weed.

"Talagang nasubukan lang niya ang weed when he was in high school.

"'Tapos si Rommel pa yung nagpa-try sa kanya noon just so para ma-try niya, and he didn’t like it. Plus the fact na nagba-Bible study na nga siya noon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang "Rommel" na tinutukoy ni BB ay ang nakatatandang kapatid na si Rommel Padilla, na minsan ding sumubok sa pag-aartista.

Pagpapatuloy ni BB tungkol kay Rustom, "So, hindi ‘yon naging kasama sa pastime niya bilang growing-up man.

"So, nung in-offer sa kanya ‘yon [ni Jonathan], 'Okay, let’s do this.' Nag-smoke sila.

"Eto na ang problema, si Rustom, kapag nag-smoke, nagiging manly.

"So, nagiging barkada, nagiging tsong, nagiging ‘tol, nagiging ganyan. Nawawala yung pagiging romantic... Totoo ito, nagiging ‘tol.

"So, to cut long story short, that event sa motel, naging barkada. It ended up, nagkakatawanan, mas naging relaxed."

Hindi itinago ni BB ang paghanga niya sa pagka-"fearless" daw ni Jonathan, pero nanindigan siyang maliban sa halikan at yakapan, wala pa ring sexual act na nangyari sa kanila sa Pasig motel.

LOVE TRIANGLE

Sa pagpapatuloy ng kuwento ni BB, ipinagtapat nitong may karelasyon si Jonathan noong panahong nakikipagkita ito kay David.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naganap ang pagtatapat ni Jonathan kay David nang dalawin niya ang huli sa tahanan nito.

Naramdaman daw kasi ni David na may karelasyon noon si Jonathan.

Ang naging basehan ni David? Ang pamilyar sa kanyang klase ng pagtawa ni Jonathan.

Kuwento ni BB, "So, parang may nakikita siya sa tawa ni Jonathan. Sabi niya kay Jonathan, 'Meron ka bang ka-relationship?'

"Siguro this is also already one way of Rustom asking. Kasi kung lalake ‘yan, di ba may type kang babae, tatanungin mo na, kung gusto mo na talagang ligawan, tatanungin mo na, 'Meron ka bang boyfriend,' right?

"This time, parang may nakikita si Rustom. Sabi niya, 'Meron ka bang karelasyon?'

"Hindi niya diniretso kung meron kang boyfriend o girlfriend. Tinanong lang niya, 'Meron ka bang karelasyon?'

"Kasi may nakikita siya dun sa tawa. Meron siyang naaalaala dun sa tawa.

"Si Jonathan naman became very honest. Sabi niya, ‘Oo.’

"Sabi ni David, 'Paano ‘yan?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ni Jonathan, ‘Nagkakalabuan kami. Parang nauna ka lang naman ng dating pero parang dun na kami papunta.’

"Hindi sumagot si David, pero ayon sa kanyang nakikitang tawa, sinabi ni David, 'Siya ba?' Umoo si Jonathan."

Dito ay naging maingat si BB sa pagsasalita sa vlog. Wala siyang ibinigay na clue sa taong tinutukoy niyang karelasyon noon ni Jonathan.

Sa pagpapatuloy ng mga rebelasyon ni BB, ibinahagi niya ang naging pasya ni Jonathan—ang makipag-usap sa nakakalabuang karelasyon.

"Sabi ni David, 'Okay. So, paano? Anong gagawin natin?'

"Sabi ni Jonathan, ‘Hindi ba pwedeng ganito muna tayo? Pero huwag kang mag-alala, kakausapin ko rin lang naman—hindi dahil sa 'yo, ha? Pero kakausapin ko.’

"Sabi ko, 'I don’t know.' So, dun natapos ang usapan," pagbabalik-alaala ni BB.

Tila may elephantine memory si BB dahil pati ang maliliit na detalye ay natatandaan niya, tulad nang nasa Singapore noon si David nang ibalita ni Jonathan na nagkahiwalay na sila ng karelasyon nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari proceeds with the next part of his tell-all about "David" and "Jonathan." Ang kanyang "BB Uncut" ay libre pa ring napapanood.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results