Matagal pa ang ipagtitiis ng fans nina Alden Richards at Maine Mendoza na tutol sa Eat Bulaga! stint ng choreographer at social media influencer na si DJ Loonyo.
Mapapanood si DJ Loonyo sa Kapuso noontime show hanggang sa Sabado, October 3, 2020.
Inaalmahan ng AlDub fans ang participation ni DJ Loonyo sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga! dahil matagal nang hindi napapanood dito si Alden, na abala naman sa ibang commitments nito.
Ayaw ng AlDub fans na may bagong mukha sa Eat Bulaga! dahil mas gusto nila ang original Dabarkads kaya nagpoprotesta sila sa guesting ni DJ Loonyo. Nagbanta rin silang ihihinto ang kanilang suporta sa noontime show ng TAPE Inc. at ng GMA-7.
May regular job si DJ Loonyo sa China pero umuwi muna siya sa Pilipinas dahil apektado ng coronavirus pandemic ang kanyang trabaho.
Habang naririto sa bansa, tumatanggap siya ng mga TV guesting.
Kung ikinagagalit at pinag-iinitan ng AlDub fans ang paglabas ni Eat Bulaga! ni DJ Loonyo, kinahuhumalingan naman ng viewers si Tali, ang panganay na anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna.
Ngiti at ligaya ang hatid ni Tali sa manonood ng Eat Bulaga! dahil madalas na inaagawan niya ng eksena sa "Bawal Judgmental" segment ang kanyang ama.
Unlike before, hindi na camera shy si Tali dahil bibang-biba siya sa kanyang TikTok dance, pagbati ng “Hi guys” sa televiewers, at pagsesepilyo ng ngipin sa harap ng camera habang nagaganap.
Waging-wagi rin sa manonood sa tuwing umaaray si Vic dahil madalas na natatapakan ang paa niya ng kanyang active daughter.
Ang surprise television appearances at adorable antics ni Tali ang ilan sa mga dahilan kaya magiliw na magiliw sa kanya ang Eat Bulaga! viewers.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika