Tulfo vs Tulfo: Magkapatid na Erwin at Raffy, magkatapat ang news programs

by Jojo Gabinete
Oct 2, 2020
Brothers Erwin Tulfo (left) and Raffy Tulfo (right) will go head to head in primetime as their respective news programs have the same timeslot. Erwin is one of the anchors of PTV4's Ulat Bayan, while Raffy will be part of TV5's Frontline Pilipinas.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Tulfo vs Tulfo.

Simula sa Lunes, October 5, mapapanood si Raffy Tulfo bilang isa sa mga news anchor ng Frontline Pilipinas, ang primetime newscast ng TV5.

Makakasama niya rito sina Luchi Cruz-Valdes, Ed Lingao, Lourd de Veyra, at Cheryl Cosim.


Tuwing 6:30 P.M. hanggang 7:30 P.M. ang timeslot ng Frontline Pilipinas. Pero makakatapat pa rin nito ang Ulat Bayan, ang primetime news program ng PTV4 na matutunghayan naman mula 6 P.M. hanggang 7 P.M.

Continue reading below ↓

Nag-umpisa ang Ulat Bayan noong September 7.

Ito ang hudyat ng pagbabalik sa primetime newscast ni Erwin Tulfo, ang nakababatang kapatid ni Raffy, kaya hindi na mapipigilan ang kanilang “rivalry” sa paghahatid ng mga balita.

Kasama ni Erwin sa Ulat Bayan ang mga dating katrabaho niya sa ABS-CBN na sina Aljo Bendijo at Alex Santos at ang former beauty queen-turned-broadcaster na si Dianne Querer.


Continue reading below ↓

Si Kat De Castro ang bagong general manager ng PTV4 at malaki ang kinalaman niya sa pagbabalik ni Erwin sa primetime newscast.

Hindi naman nagdalawang-isip si Erwin na tanggapin ang alok ni Kat dahil sa kanyang misyon na “Para sa Bayan.”

Naniniwala si Erwin na higit na kailangan ng mga Pilipino ng constant at reliable news source sa panahon ng pandemya, kaya ito raw ang kanyang tungkulin bilang anchor ng Ulat Bayan.

Ipinagmamalaki ni Erwin ang mga special report sa Ulat Bayan, tulad ng mga public official na naging abusado sa mga tungkulin, mga kontrobersiyal na proyekto ng pamahalaan, at public accountability.

"We are happy that our General Manager, Kat De Castro, is herself a former journalist and producer.

"She is encouraging us to do what needs to be done to make our show at par with other mainstream programs," sabi ni Erwin.

Kabilang si Erwin sa binansagang "Power 4" ng PTV4 dahil sa layunin nila nina Alex, Aljo, at Dianne na itaas ang antas ng state-run television network, gamit ang kanilang ilang dekadang karanasan bilang mga broadcast journalist.

Continue reading below ↓

"For the four of us, we discuss what we need to banter on air to present things in their best light.

"Pandemic na nga so we try to lighten up and be inspirational also. We see to it that we end with a happy and hopeful note too.

"Keep watching us. Learn and be informed and see your taxes used to better your lives by the kind of shows we bring you," sabi ni Erwin.

Natutuwa si Erwin dahil sa diumano’y mga positive feedback ng viewers sa kanilang primetime news program sa PTV4.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Brothers Erwin Tulfo (left) and Raffy Tulfo (right) will go head to head in primetime as their respective news programs have the same timeslot. Erwin is one of the anchors of PTV4's Ulat Bayan, while Raffy will be part of TV5's Frontline Pilipinas.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results