Edu Manzano, 65, balik-trabaho na: "Kahit may edad na ako...kaya ko pa"

by Jojo Gabinete
Oct 4, 2020
Ngayong araw, October 4, balik-trabaho na si Edu Manzano, na gaganap bilang General Benjamin Magalong sa pelikulang Mamasapano.
PHOTO/S: Kurt Alvarez

Hindi natuloy noong August 2020 ang shooting ng Mamasapano: Now It Can Be Told ng Borracho Film Production.

Ito ay dahil isinailalim ulit ang Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) bilang tugon ni President Rodrigo Duterte sa kahilingan ng mga frontliners.

Pero nitong October 1, sumailalim sa swab test sina Edu Manzano, Allan Paule, Ritz Azul, at Myrtle Sarrosa dahil magsisimula na ngayong araw, October 4, 2020, ang principal photography ng Mamasapano sa kapitolyo ng San Fernando, Pampanga.

Si Edu ang gaganap na General Benjamin Magalong, ang kasalukuyang mayor ng Baguio City.

Mahalaga ang karakter at partisipasyon ni Magalong dahil siya ang naging chairman ng Philippine National Police (PNP) Board of Inquiry sa Mamasapano Clash, na nangyari noong January 25, 2015, ang araw na nagluksa ang buong Pilipinas dahil sa 44 troopers na nagbuwis ng buhay para sa bayan.

Personal na kakilala ni Edu si Magalong, maging si Getulio Napeñas Jr., and Special Armed Forces (SAF) chief nung panahong iyon.

Continue reading below ↓

"Medyo malapit talaga sa puso ko yung istorya having been a full former soldier, and kilala ko yung major characters—from General Napeñas to General Magalong—kasi honorary Class ’82 rin ako sa Philippine Military Academy.

"Class ’82 si Mayor Magalong, kasama ko rin si Richard Gomez,” ang paliwanag ni Edu na nagustuhan nang husto ang script ng Mamasapano na isinulat ni Eric Ramos.

Ang producer ng pelikula ay si Atty. Ferdinand Topacio, na kaibigan rin ni Edu.

Kahit senior citizen siya ay wala itong agam-agam na magtrabaho sa kabila ng banta ng COVID-19.

Nag-65th birthday ang aktor noong September 14.

Sa pagpapatuloy ni Edu, "Lahat kami, bida sa pelikulang ito, and it’s important because, kung titingnan mo yung characters, lahat sila, e, talagang hinahanapan natin ng mga kasagutan.

"I hope you haven’t forgotten na minsan akong naging sundalo so alam ko rin yung maraming commitment to the country and to the nation and to each and every citizen.

Continue reading below ↓

"I don’t take this role lightly kahit na lahat kami rito, e, may magagandang sasabihin. Ang gaganda ng mga dialogue, so I’m looking forward to working with all of these fine gentlemen and two ladies [Myrtle Sarrosa and Ritz Azul]."

Tinanggap ni Edu ang Mamasapano bago pa man nagkaroon ng coronavirus pandemic sa Pilipinas, at wala rin siyang nakikita na dahilan para bawiin ang tinanggap na commitment, kahit sinasabi ng iba na risky para sa senior citizen na kagaya niya ang lumabas ng bahay.

"Lahat kami negative [sa swab test], but we’re trying to stay positive.

"Kahit may edad na ako, malakas-lakas pa ako, kaya ko pa. I did not see any reason why yung senior citizens should be discriminated against.

"Ako kasi, gusto ko manatili na healthy lagi dahil gusto ko manatiling active.

"In the case of some seniors, yung sinasabing may kahinaan, I can understand kung merong reluctancies. But in this case, hindi ako nagkaroon ng any reluctancies.

Continue reading below ↓

"I feel na marami pa akong maiko-contribute, lalo na ngayong gandang-ganda ako sa istorya, so I don’t want to pass up this opportunity."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong araw, October 4, balik-trabaho na si Edu Manzano, na gaganap bilang General Benjamin Magalong sa pelikulang Mamasapano.
PHOTO/S: Kurt Alvarez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results